Facebook

21 empleyado huli sa online casino; Marijuana nakumpiska

ARESTADO ang 21 empleyado ng iligal na online casino sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa BiƱan City at San Pedro, Laguna.

Ang mga naaresto ng BiƱan City Police Station ay kinilala sa mga alyas Heimrich, Jhundel, Denzel, Japhet, Aaron, Jonathan, John, Borgy, Christian, Bren, Jon, Robert, Anthony, at Philip John.

Habang ang naaresto naman ng San Pedro Municipal Police Station ay sina alyas Kimberly, Kent, Darwin, Jezreel, Mary, Dan, at Estefen.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, ang provincial director ng Laguna PNP, maliban sa mga nakumpiskang gamit sa iligal na online casino ay nakasamsam din sila ng 11 pakete ng tuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalias.

Sa report ng BiƱan CPS, 9:00 ng gabi ng Lunes, Disyembre 12, 2022, ikinasa ang anti-gambling operation sa Tennessee Street, Southville Town and Country sa Brgy Sto. Tomas at naaktuhan ng ga operatiba ang mga empleyado ng casino na nangungulekta ng mga bet money. Kinumpiska rito ang mga computer at ibang gamit sa online game maliban sa mga pakete ng marijuana.

Sa report naman ng San Pedro City Police Station, 5:30 ng hapon nila ikinasa ang raid sa Brgy. Pacita 1.

Kinumpiska rito ang pitong set ng computers, iba pang gamit sa online casino at P29,500 bet money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 ang mga naaresto.

Kasong paglabag sa RA 9165 o “Dangerous Drug Acts of 2002” naman ang isinampa kina Heinrich, Jundel, Denzel, Aaron, John, Jon at John na nakuhanan ng marijuana.

The post 21 empleyado huli sa online casino; Marijuana nakumpiska appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
21 empleyado huli sa online casino; Marijuana nakumpiska 21 empleyado huli sa online casino; Marijuana nakumpiska Reviewed by misfitgympal on Disyembre 14, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.