
IDINAAN ng isang pamilya ang kanilang pagluluksa sa pagsayaw ng cha-cha habang papunta sa sementeryo. Hiling daw ng namayapang kaanak na huwag malungkot sa kanyang libing sa Leon, Iloilo.
Sa ulat, sa isang video na inapload tila street dancing competition ang nagaganap.
Ngunit kapag nakita ang karo ng patay sa harap ng mga nagsasayaw, makikitang nakikipaglibing pala ang mga ito.
Kuha ang video sa libing ni Adelina Cabarles ng Barangay Tina-an Sur.
Sa halip na malungkot, makikita sa mga mukha ng mga kaanak ni Cabarles ang saya na para bang may parada lang sa fiesta.
Nag-cha-cha pa umano ang mga kaanak ng namatay paglabas sa simbahan papunta sa sementeryo.
Ayon sa anak ni Cabarles na si Arlie, hiniling ng kanyang ina na huwag malungkot sa oras na mamatay ito.
Kabilang sa mga nakipaglibing at nanguna sa pagsasayaw ng cha-cha ang mga opisyal ng barangay dahil dating punong-barangay sa kanilang lugar si Cabarles.
The post Hiling ng namayapa: Libing, gawing masaya at may sayawan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: