Facebook

Maynilad dapat pagmultahin sa mga hukay nilang nakatiwangwang!

DAPAT kinakasuhan o pinagmumulta ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Maynilad na naghuhukay sa gitna ng mga pangunahing kalye pero hindi kaagad tinatapos, nagiging dahilan ng grabeng trapik lalo kapag rush hours.

Tulad ng hukay dyan sa gitna ng Taft Avenue kanto ng Ocampo St., Maynila papunta ng Makati City. Aba’y maglimang buwan nang nakatiwangwang ang malaking hukay ng Maynilad dyan. Nandoon pa ang nakabarang backhoe na hindi naman ginagamit, kinakalawang na nga!

Kung bulag ang MMDA sa mga nakatiwangwang na hukay na ito ng Maynilad, dapat ang local government ng Maynila ay umaaksyon sa perwisyong dulot ng hukay na ito sa mga motorista at commuters. Peste!

MMDA Chairman Francisco San Juan at Manila Mayor Honey Lacuna, hoyyy…gising!!!

Kayo naman dyan Maynilad… dapat ‘pag naghukay kayo ay tapusin n’yo agad! Hindi yung huhukayin lang tapos iiwanan. Bibilang ng buwan hanggang taon bago balikan. Malaking perwisyo ito sa mga motorista at commuters. Animal!

Dapat magkaroon ng batas laban sa mga kompanya tulad nitong Maynilad na kapag hindi kaagad tinapos ang kanilang proyekto sa gitna ng kalye ay pagmultahin ng milyones!!!

***

Sang-ayon ako sa panukala ng isang kongresista mula sa Ilocos na dapat sa elementarya palang ay ituro na sa mga kabataan ang wastong pagtatanim ng mga gulay at prutas.

Dahil paubos na ang ating mga magsasaka, matatanda na. Ito ang dahilan kung bakit kinakapos na ang Pilipinas sa agricultural products. Kakaunti nalang kasi ang mga magsasaka.

Oo! Panahon na nga para imulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng agrikultura. Tulad nalang sa ibang bansa gaya ng Vietnam, China, Thailand, Japan, nakatutok sila sa agrikultura. Kaya naman sagana sila sa agri products.

Dati rati naman ay sagana tayo sa agri products, pero dahil napabayaan na ng gobyerno ang sektor ng akrikultura at ang gusto’y importation, heto tayo ngayon, nagrereklamo sa taas ng mga gulay, prutas, isda at karne. Fuck!

Kaya mga Kong!!! Suportahan n’yo para maging batas ang panukalang “ituro na sa elementarya ang kahalagahan ng agrikultura”. Let’s do it!

***

Ang Rizal ay isa sa pinakamayamang probinsiya na napakatagal nang pinamumunuan ng Ynares.

Pero sa kabila nito ay marami parin palang bayan at barangay sa Rizal ang walang maayos na daan at tulay.

Nalaman nalang natin ito nang magkuwento ang ilang senior citizens na survivors sa flash floods sa Tanay kungsaan walong seniors at isang bata ang nasawi nang anurin ng flash floods ang jeep na kanilang sinasakyan habang tumatawid sa ilog nitong nakaraang Sabado.

Sabi ng masuwerteng nakaligtas sa trahedya na si Lola Nelia delos Reyes, pitong ilog ang kanilang tinatawid papunta sa bayan. Wala raw tulay at wala rin maayos na kalsada sa kanila. Kaya laging may nadidisgrasya sa lugar.

Saan ba napupunta ang pondo para sa farm to market road ng Rizal, Governor Ynarez at mga Congressmen?

The post Maynilad dapat pagmultahin sa mga hukay nilang nakatiwangwang! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maynilad dapat pagmultahin sa mga hukay nilang nakatiwangwang! Maynilad dapat pagmultahin sa mga hukay nilang nakatiwangwang! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 14, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.