Facebook

Argentina pasok sa finals ng FIFA World Cup

PASOK na sa finals ng 2022 FIFA World Cup ang Argentina matapos ilampaso ang Croatia 3-0 sa semifinals.

Sa first half ng laro ay naging agresibo na ang ranked number 3 na Argentina laban sa ranked number 12 na Croatia sa laro na ginanap sa Lusail Stadium.

Unang nakapasok ng goal si Lionel Messi sa 34 minuto ng laro sa pamamagitan ng penalty kick.

Pagkatapos naman ng limang minuto ay naipasok ni Julian Alvarez ang goal hanggang maubos ang oras sa first half.

Pagpasok ng second half ay hindi pa rin tumigil ang Croatia na makakuha ng goal subalit naipasok ang goal muli ni Alvarez sa oras na 69 minuto.

Hanggang mataposa ng 90 minuto at dagdag na tatlong minuto ay hindi na nakapagtala ng goal ang Croatia.

Ang panalo ng Argentina ay tila pagganti dahil noong 2018 ay tinalo sila ng Croatia sa score 3-0 sa kanilang group stage games.

Susunod na makakaharap ng Argentina ang sinumang manalo sa pagitan ng France at Morocco na itinakda ang semifinals game Huwebes.

The post Argentina pasok sa finals ng FIFA World Cup appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Argentina pasok sa finals ng FIFA World Cup Argentina pasok sa finals ng FIFA World Cup Reviewed by misfitgympal on Disyembre 14, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.