
LUMOBO ang bilang ng mga pasahero ang dumating noong Bisperas ng Pasko sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals, ayon sa ulat ng Bureau of Immigration
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang mga opisyal ng imigrasyon na nakatalaga sa ibat-ibang internasyonal na paliparan ay nagproseso ng kabuuang 31,992 arriving passengers pagdating noong Disyembre 24.
Karamihan sa mga internasyonal na pasahero ay dumating sa pamamagitan ng NAIA, kung saan ang terminal 1 ay nakapagtala ng 10,047 passengers, habang ang Terminal 2 at 3 ay may kabuuang 4,646 at 12,615 na manlalakbay ayon sa pagkakasunod.
Samantala, iniulat ng BI ang kabuuang 22,248 na pasahero naman ang umalis sa bansa noong bisperas ng Pasko.
Tiniyak ni Tansingco sa publiko na habang inaasahan ang mga madadagdagan pang bilang ng mga manlalakbay ay magiging mabilis naman ang proseso ng kanilang travel documents pagdating sa nasabing paliparan.
“All counters are fully manned, our egates are being utilized, and we have a special team of officers ready to augment manpower as needed. The implementation of the eTravel system also significantly decreases the paper requirements of arriving passengers”. Ani Tansingco
Sinabi ni Tansingco na nakikita na nila ang pagdami ng mga biyahero bilang isang senyales na ang turismo ay muli nang nanumbalik sa bansa. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)
The post 31,992 PASAHERO, DUMATING NOONG BISPERAS NG PASKO SA NAIA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: