Napatay ng mga pulis sa isang shootout ang lalaking bumaril at nakapatay sa isang delivery rider na tumutulong sa isang pulis na humabol sa kanya sa Quezon City.
Mismong si Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Nicolas Torre III ang nagkumpirma sa pagkamatay ng naturang lalaki na nakilalang si Richmond Dalisay.
Sinabi ni Torre na ang salarin ay napatay sa shootout may dalawang araw na ang nakakalipas nang barilin at mapatay ang delivery rider, na nakilalang si John Dale Salazar.
Nauna rito, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga otoridad nang mapuna at parahin ng mga ito sina Dalisay at Gabriel Tamondong, na kapwa sakay ng isang motorsiklo.
Sinasabing tinangka ni Dalisay na tumakas ngunit hinabol ito ng isa sa mga pulis na sumita sa kanya.
Nang makita umano ito ni Salazar, nagmagandang-loob itong tulungan ang pulis sa paghabol sa suspek at isinakay ito sa kanyang motorsiklo.
Gayunman, bumunot ng baril si Dalisay at pinaputukan ang mga humahabol sa kanya.
Dito na umano tinamaan si Salazar na malaunan binawian ng buhay.
Nagawa naman ng suspek na makatakas sa pamamagitan nang pang-aagaw sa itim na Honda Click motorcycle ng isa pang rider.
Matapos ang dalawang araw, nakatanggap ang mga pulis ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Dalisay, at malaunan ay natunton ito sa isa sa mga tahanan sa Sitio Ambuklao.
Tinangka umanong arestuhin at pasukuin ng mga pulis ang suspek ng mapayapa ngunit tumanggi ito.
Sa halip, nanlaban pa ang suspek at nagpaputok ng baril, sanhi upang mapilitan ang mga pulis na gumanti ng putok, na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Naaresto rin naman si Tamondong sa isang maikling habulan sa naturan ding lugar, at sasampahan ng kaukulang kaso ng mga otoridad.
Hiniling na rin ng QCPD ang pagsasagawa ng ballistic examination upang matukoy kung sino ang may-ari ng baril na ginamit sa engkwentro.
Iniulat rin naman ng mga otoridad na sangkot si Dalisay sa serye ng patayan sa Quezon City.
Kaugnay nito, iniulat ni Torre na mula Enero 1hanggang Disyembre 24, nasa kabuuang 86 ang naitala nilang insidente ng pamamaril sa lungsod.
Sa naturang bilang, 25 ang cleared na, 27 ang naresolba at 34 ang iniimbestigahan pa.
“I already ordered the immediate resolution and in-depth investigation of these 34 incidents and we will take action regarding the rising numbers of these incidents,” ani Torre.
The post TNVS rider binaril-patay ng gun for hire appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: