Facebook

REGION 4A ANTI CRIME/DRUG CRUSADER KAY PBBM: GAMBLING, DRUG SYNDICATE AT ‘KAPUSTAHAN’ LANSAGIN!

Ni: CRIS IBON

DAHIL ‘di kumikilos ang Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement unitS ng pamahalaan, dapat nang makialam si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. para matuldukan ang lantaran at matagal nang operasyon ng gambling at drug syndicates sa CALABARZON.

Ayon sa Region 4A based anti-crime and vice crusader, hindi ginagawa ng pulisya ng rehiyon sa pamumuno ni Brigadier General Jose Melencio Nartatez, Jr. ang kanilang trabaho kaya namamayagpag ang operasyon ng mga iligal na sugalan, bukod pa sa talamak na droga sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon).

Nagpahayag ng matinding pangamba ang naturang grupo na matutulad ang Pilipinas sa ilang bansang naging magulo dahil ang pamahalaan at mga awtoridad ay papitik-pitik lang, ‘di kumikilos kung kaya ang naghahari ay sindikato ng mga iligal na sugal at droga.

Kinondena nila ang patuloy na pagbubulag-bulagan ng liderato ni PNP Chief, General Rodolfo Azurin, Jr., partikular din ang pamunuan ni Nartatez na siyang pinakamataas na opisyal at tagapamahala ng rehiyon sa mga nangyayaring kabulastugan na tahasang lumalabag sa umiiral na batas tulad ng illegal gambling at drug trafficking.

Ibinigay na halimbawa ng nasabing crime watch crusader ang hindi masugpo-sugpong operasyon ng saklaan ng magkasosyong Tisoy at Nonit sa harap ng PGMCI Rural Bank sa Gen. Malvar Street, Padre Garcia, Batangas.

Katabi lamang ng saklaan ay rebisahan ng STL con-jueteng ninaTisoy at Nonit na nagiging dahilan ng mga insidente ng kriminalidad sa bayan na ang may kagagawan ay mga sugarol na gumon sa sugal at droga.

Pero bulag dito si Batangas Provincial Director, Colonel Pedro Soliba, lalo na ang hepe ng pulisya rito na si Major El Cid Villanueva.

Lantaran din ang mga saklaan sa Lipa City ng magkasosyong Estole at Aying na ‘di rin sinasawata ng hepe ng lungsod na si Lt. Col. Ariel Azurin, kamag-anak ni PNP Chief, pati na ang isang Marivic na nagpapasakla naman sa loob ng Tombol Cockpit sa Barangay Quilib, bayan ng Rosario.

Parang lisensyado naman ang mga saklaan sa mga barangay ng Sta Clara, San Roque, San Pedro, San Francisco, at Sta. Maria ng isang Timmy at Magsino na kapwa nagpapakilalang tauhan ng alkalde ng Sto. Tomas City at parehong civilian agent kuno ng CIDG Batangas Provincial Office sa ilalim ni Major Jet Sayno.

Ipinagbabanduhan ng dalawa na rektang-konek sila sa R4A at Camp Crame pagkat ang kanilang pa-bookies at sakla ang nagbibigay ng pinaka-malaking padulas sa mga opisina ng PNP at NBI.

Sa isinagawang raid ng R4A Regional Special Operation Unit (RSOU) kamakailan, ‘di sinalida ng mga operatiba ni Nartatez ang mga pasugalan nina Tisoy at Nonit sa Padre Garcia, maging ang kuta ng mga STL bookies operator sa Tanauan City na pinangungunahan nina Ocampo, Ablao, Burgos, alias Kon. Perez, Kap Mario, Bagsic, Cristy, at ng may 30 iba pang mga drug dealer con- jueteng operator sa Tanauan City na nasa ilalim ng administrasyon ni Mayor Sonny Colantes.

Sabi pa ng grupo ng anti-crime watch and vice crusader, malaki ang idinulot na alingasngas sa sirkulo ng PNP ang isinagawang anti-gambling operation sa CALABARZON police mahigit dalawang linggo pa lamang ang nakararaan pagkat sa halip na salakaying lahat ng sankaterbang mga operatiba, ay tatlo lamang kuta ng pergalan (perya at sugalan) ang ni-raid ng RSOU, ang dalawa ay sa Batangas City at ang isa sa Tanauan City Proper. (Itutuloy)

The post REGION 4A ANTI CRIME/DRUG CRUSADER KAY PBBM: GAMBLING, DRUG SYNDICATE AT ‘KAPUSTAHAN’ LANSAGIN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
REGION 4A ANTI CRIME/DRUG CRUSADER KAY PBBM: GAMBLING, DRUG SYNDICATE AT ‘KAPUSTAHAN’ LANSAGIN! REGION 4A ANTI CRIME/DRUG CRUSADER KAY PBBM: GAMBLING, DRUG SYNDICATE AT ‘KAPUSTAHAN’ LANSAGIN! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.