Facebook

Antetokounmpo bida sa panalo ng Bucks vs Pelicans

UMISKOR si Giannis Antetokoumpo ng 42 points at humatak ng 10 rebounds upang pamunuan ang Milwaukee Bucks sa 128-119 NBA victory kontra Zion Williams at ang New Orleans Lunes ( Martes sa Manila time)

Dinomina ng two-time Most Valuable Player Antetotokoumpo ang paint, nagawa ang 12 sa kanyang 17 shots mula sa floor at 17 sa kanyang 22 free throws.

Samantala nalimitahan ng Bucks si Williams, ang New Orleans star forward na nagtapos ng 18 points,seven rebounds at seven assists.

Center Jonas Valanciunas nagpaulan ng seven 3-pointers tungo sa 37 points habang si CJ McCollum kumana ng anim na 3-pointers at 31 points.

Brook Lopez nagdagdag ng 30 points at 18 mula kay Jrue Holiday para sa New Orleans.

Ang East-leading Bucks ay umangat sa 22-8.Ang Pelicans,na nangunguna sa West kamakailan ngayon buwan matapos ang seven-game winning streak, ay nalasap ang 4th straight defeat.

“Overall there was a lot of really good defensive effort,” Wika ni Bucks coach Mike Budenholzer.

The post Antetokounmpo bida sa panalo ng Bucks vs Pelicans appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Antetokounmpo bida sa panalo ng Bucks vs Pelicans Antetokounmpo bida sa panalo ng Bucks vs Pelicans Reviewed by misfitgympal on Disyembre 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.