
SISIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapatayo sa “super max prison” sa Mindoro sa susunod na taon bilang bahagi ng isinusulong ng ahensya na decentralization ng mga kulungan at pagbuwag sa mega prison gaya ng Bilibid.
Sa sandaling matapos ay ililipat na sa super max prison ang mga high-profile at drug-related inmates.
Kaugnay din nito ay magpapatayo ang national government ng apat na regional jail habang walo ang ipatatayo ng lokal na pamahalaan.
Umaasa si Remulla na matatapos ito sa 2027.
Samantala, nasa 2,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) pa ang target na mapalaya ng DOJ sa susunod na dalawang buwan sa pamamagitan ng executive clemency.
Layon nito na ma-decongest ang mga kulungan.
The post Pagpapatayo ng “super max prison” sisimulan na ng DOJ sa 2023 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: