Facebook

BI Commissioner Tansingco: Pagbabago at pag-unlad sa loob ng 100-araw na panunungkulan

TATAPUSIN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman ang taong 2022 sa pamamagitan ng kanyang nalikhang pag-unlad at pagbabago sa ahensya sa loob lamang ng 100-araw na panunungkulan.

Si Tansingco na nagdiwang ng kanyang ika-100 araw bilang pinuno ng BI, ay nagpakilala ng iba’t-ibang proyekto na layuning mapabilis ang modernisasyon ng Kagawaran.

Ginugol ng Commissioner ang kanyang unang araw sa pagi-inspeksyon sa BI Main office, sumunod na araw naman ay nagsagawa siya ng inspeksyon sa BI operations Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinaalalahanan din ni Tansingco ang mga frontline officers na hindi niya kukunsintihin ang mga tiwaling gawain sa mga tauhan ng kagawaran.

“Ayoko ng pastillas. Ayokong umabot sa ako pa mismo ang magpoposas sa empleyadong mahuling gumagawa ng kalokohan,” naunang babala ni Tansingco.

Sinimulan din ni Tansingco ang paghihigpit sa screening ng mga dayuhan mula sa Cambodia at Vietnam noong September, matapos ang ulat mula sa local law enforcement agencies nang pagtaas sa kaso ng kidnappings at extortion activities mula sa mga sindikato na nagmula sa nasabing mga bansa.

Ang pagpapatalsik ng mga sex offenders sa bansa ay nanatiling priority para sa kagawaran. Isa sa pinakamalaking pag-arestong nagawa ng kagawaran ay nang masakote si John Crotty, 64-anyos na UK national na minarkahan bilang undesirable alien matapos na mauna na ma-convicted dahil sa mga sex-related crimes.

Naharang din ng mga ahente ng BI pati ng ng warden facility nito ang pagtatangkang magpuslit ng methamphetamine sa loob ng idetention center noong September at October, na naging daan upang magsampa ng kasong kriminal sa mga dayuhang may kinalaman dito.

Ang mga dayuhang gumagawa ng iligal na gawain ay agad na inaaresto at idini-deport. Noong September, isang South Korean na si Lee Won Ho ay naaresto ng mga ahente ng BI agents dahil siya ay minarkahan bilang kingpin ng telecom scam syndicate na nambibiktima ng kanyang mga kababayan. Sa pareho ding buwsn, ay naaresto si Fu Qihao dahil sa pagiging wanted sa China dahil sa kanyang partisipasyon sa pyramid scam. Noong October, naaresto ng BI ang Ghanian scammer na nagpapanggap bilang missionary sa Pilipinas, matapos ang kanyang pagkakaugnay sa ATM hackings sa metro.

Pinalakas din ng BI ang kanilang partnership sa iba pang ahensya ng gobyerno katulad ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency, na nagbigay daan sa pagkakasabat sa Amerkanong si Jozeph Szuhar noong September, na nagtangkang magpasok ng P19 million halaga ng cocaine sa bansa.

Ang koordinasyon ng kagawaran sa National Bureau of Investigation at sa Philippine National Police ay naging dahilan din sa pagkakaaresto ng 372 illegal aliens na involved sa mga tagong online gaming operations. Sa pakikipagtulingan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation ay nagawa ng kagawaran na makansela ang visa ng may 48,782 foreign nationals, kung saan 1,424 sa mga ito ay inutusan ng umalis ng bansa.

Ang ahensya ay nakipagpartner din sa Cybercrime Investigation and Coordinating Council sa pagtatatag ng cybercrime hubs sa BI Main office at sa major international airports.

Ang pakikipag-partner rin ng BI sa Department of Information and Communications Technology, Department of Tourism, Bureau of Quarantine, BOC, Department of Health, Department of Transportation, at Department of Justice ay nagbigay daan sa paglunsad ng eTravel website, dahil dito ay tinanggal na ang removing arrival card requirement at consolidating data requirement of border agencies sa iisang platform.

Kasama ang Department of Migrant Workers (DMW), nailatag ng BI ang updated system na naka-linked sa database ng DMW upang ma-access ang overseas Filipino workers’ overseas employment certificate records sa mabilis na panahon at mababawasan ang paper-based requirements.

Maging ang mga international airports ay napalakas ang kanilang mgq border measures. Noong October, ang mga immigration officers sa Clark International Airport ay naaresto ang dalawang Indians na may pekeng immigration stamps, at isang Taiwanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa drug-related crimes.

Itinutulak din ng BI ang mga pagbabago upang lalong mapagsilbihan ang publiko. Nai-transfer na rin ang 2023 annual report sa Robinson’s Place Manila at SM Mall of Asia, at nagbukas na rin ang mga tanggapan nito sa buong bansa para sa kaginhawahan ng publiko.

Nakapagtatag na rin ang kagawaran ng NAIA 24/7 one-stop-shop para sa mga dayuhang pasahero na kailangang-kailangan ang mga immigration documents.

Tuloy-tuloy pa rin ang BI sa kanilang pakikipaglaban sa trafficking, at nagsasalba ng mga biktimang iligal na na-recruite upang magtrabaho sa Thailand, Laos, at Dubai. Noong November, ang mga BI airport officers ay natuklasan ang trafficking attempts gamit ang mga pekeng airport passes at gamit din ang airport employees’ entrances. Agad na inutos naTansingco ang inbestigasyon sa nasabing pagtatangka, at nanawagan sa ibang mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Inter-Agency Council Against Trafficking palakasin pa ang pakikipaglaban kontra sa illegal recruitment and human trafficking.

Binigyang diin din ni Tansingco ang mga pangunahing lugar na tinututukan ng kanyang administrasyon, kabilang na ang anti-corruption, modernization, national security, rightsizing, at personnel empowerment.

“Upon my assumption, the marching orders of Secretary Remulla was to focus on anti-corruption and modernization,” pahayag ni Tansingco.

“I also saw a need to strengthen the role of immigration on national security, follow the direction of the president in maximizing the personnel complement of the bureau, and of course improve the welfare of our employees,” dagdag pa nito.

Tinapos ni Tansingco ang 2022 sa pamamagitan ng soft launching ng online visa waiver project, kung saan ang mga short term tourists ay madali ng makakapag-extend ng kanilang visas online, pati na ang pagsisimula ng electronic payments para sa mga BI transactions.

“We celebrate a new beginning for the bureau. Despite the many issues and challenges in the past, we look forward to a better future,” said Tansingco. “Anticipate. Innovate. Motivate. These are the agency’s direction in the next years. Anticipate what is needed, innovate to improve our services, and motivate each other to be the best public servants. Aim high BI,” pagtatapos ni Tansingco. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post BI Commissioner Tansingco: Pagbabago at pag-unlad sa loob ng 100-araw na panunungkulan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BI Commissioner Tansingco: Pagbabago at pag-unlad sa loob ng 100-araw na panunungkulan BI Commissioner Tansingco: Pagbabago at pag-unlad sa loob ng 100-araw na panunungkulan Reviewed by misfitgympal on Disyembre 29, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.