LILIPAD si BBM patungong Peking sa ika-3 ng Enero upang lumagda sa 10 o 11 bilateral agreement, o mga kasunduan sa pagitan ng Filipinas at China. Kasama sa mga lalagdaan ang kasunduan ng pagkakaroon ng “hotline” sa pagitan ng Manila at Peking tungkol sa mga usapin pandagat, ayon sa balita na pinakawalan ng Malacanang.
Hindi namin alam kung kailangan ito. Sa ganang amin, ang pinakamaganda magagawa ng China ay igalang ang teritoryo ng Filipinas at exclusive economic zone (EEZ) na nakabatay sa umiiral na international law. Huwag labagin ng China ang kinikilalang teritoryo ng Filipinas at EEZ/. Huwag pasukin, kamkamin, at tayuan ng kung ano-anong istraktura ang mga isla sa West Philippines Sea (WPS).
Pinakamahalaga na kilalanin sa wakas ng China ang arbitral decision ng UNCLOS noong 2016 na nagsabing kathang isip ang Nine-Dash Line ng batayan ng China upang sabihin ng sa kanila ang halos kabuuan ng South China Sea. Hindi pag-aari ng China ang South China Sea at malaya ang sasakyang pandagat ng ibang bansa na maglayag doon.
Sa mga nakalipas na panahon, nais ng China na isantabi ang arbitral decision sa sakdal kontra China na iniharap ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2013. Nais ng China na mag-usap na lamang ang Filipinas at China. Ito rin ang naisa ni Rodrigo Duterte na sa tingin ng marami ay tuta ng China. Hindi nakaporma si Duterte dahil kinilala ng DFA sa pamumuno ni Teddy Locsin Jr. ang arbitral decision.
Dahil tapos na ang termino ni Duterte at pumalit si BBM, hindi malinaw kung itutuloy ni BBM ang polisiya na itinakda ng DFA sa ilalim ni Locsin na ngayon ay inilagay ni BBM na sugo ng bansa sa Britanya. Ito ang sitwasyon na atat na atat ang China. Hanggang maaari, ganap na malusaw ang arbitral decision dahil ito ang batayan na hindi mapigil ng China na maglayag ang mga barko ng ibang bansa sa South China Sea kung saan mahigit P7 trilyon kalakal ang dumadaan kada taon.
May mga patibong na inilatag ang China upang madiskaril ang Filipinas. Hindi natin alam kung sadyang magpatiwakal ang Filipinas sa pagpasok sa mga patibong na ito. Hindi mahusay na lider si BBM. Wala siyang track record na nagpakita ng kanyang tapang, giting, sipag, at galing sa pamumuno. Mahinang klase o pipitsugin si BBM. Manmanan.
***
HINDI namin alam kung anong kapalaran ang naghihintay kay Rep.-elect George Santos ng New York dahil sa pagsisinungaling noong panahon ng kampanya tungkol sa kanyang nakalipas. Pineke ni Santos ang kanyang background. Hindi siya graduate ng kolehiyo at wala din siya lahing Hudyo. Sinisiyasat ngayon si Santos upang magdesisyon kung makakaupo siya sa Kongreso gn Estados Unidos sa papasok na taon.
Dito sa Filipinas, naging pangulo at senador ang mga nagsisinungaling. Hindi nagtapos ng kolehiyo si BBM at Imee Marcos bagaman patuloy nilang iginigiit na nagtapos sila sa mga pamosong paaralan sa Inglatera at Estados Unidos. Mga sinungaling ang namumuno sa bansa natin at wala silang pinatunayan kundi ang pagiging mahaba ang dila.
***
MAY isang netizen na nagsabing may ilang isyu na nakalimutan ang Filipinas dahil sa pagtaas ng halaga ng sibuyas sa nakakahilong halaga. Kasama sa mga isyu na bahagyang natatalakay ang mga sumusunod: kaso ni Leila de Lima na nakakulong hanggang ngayon; pagpaslang kay Percy Lapis na hindi na umusad ang sakdal kay Gerald Bantag at iba pang sangkot; at iskandalo ng Pharmally na kinasasangkutan ni Duterte at ilang pinaborang negosyante sa bilyon-bilyong piso halaga ng droga at iba pa.
Kasama sa mga nakalimutan at natakpan, ayon sa netizen, ang sakdal na drug smuggling laban sa anak ni Boying Remulla; mga talakayan sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund; kontrobersiyal na excavation sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City; at ang kapalpakan ng DoH na harapin ang nagbabangong pandemya sa bansa. Huwag kalimutan na walang ginawa ang gobyerno ni BBM upang pigilin ang pagpasok ng mga turistang Intsik sa bansa.
***
MGA PILING SALITA: “Jr’s government is a herd of dimwits. From top to bottom. From side to side. There’s even no vacuum for slow learners. Either each one of them is imbecile or nincompoop. But, certainly, they’re all political brigands, acting as altar boys with miters of arrogance and greed.” – Jed Q Cepe, netizen, social critic
“Bakit nilangaw ang My Teacher? Dahil wala talagang 31M. Pero totoong may magnanakaw at SD card.” – Mayeth, netizen
“Iyong isang kilo ng sibuyas ay mas mataas pa sa sahod ng ordinaryong manggagawa. Hindi mo ito deserve.” – Pari Koy
***
MAY panukala na buhayin ang partisipasyon ng Filipinas sa Belt and Road initiative ng China. Hindi namin alam kung paano naisingit ito sa tatlong araw na pagbisita ni BBM sa China. Malayo sa atin ang Silk Road. Hindi natin ito kabisado. Hindi nasangkot ang bansa natin sa nakalipas. Mayroon mga nagsisipsip para patunayan na mahalaga ang relasyon ng Filipinas at China. Isa itong malaking kahungkagan.
***
MAY netizen na nagsabing: “Nakakaduda na ang presyo ng sibuyas.” Totoo. Kontrolado ng mga middleman (mamamakyaw) ang merkado (palengke). Walang magawa ang gobyerno. Inutil ang kasalukuyang nakaupo. Ang mga mamamakyaw ang nagdidikta ng presyo sa palengke. Nakanganga ang nasa gobyerno. Hindi kumikilos si BBM.
Sabi ni Amparito Gomes, isang netizen: “Ever since talaga na umupo diumano na pansamantala ba (o intentional) bilang kalihim ng Agrikultura itong si BBM, we are in a mess. Of all the agencies of the government, it’s the Department of Agriculture, which is wrapped up with controversies. At imagine sya (BBM mismo), who appointed himself as the secretary for the meantime of the said agency. There’s really something fishy sa pag-upo niya sa naturang ahensya at kung bakit sa lahat ng department iyan pa talaga ang napiling hawakan. Di ba kaduda-duda ang lahat ng mga nagtataasang mga bilihin ngayon? Anong meron sa Department of Agriculture at ayaw maglagay ng totoo o permanenteng tao na mamahala sa naturang ahensya. Iong may alam talaga sa sektor ng agrikultura.”
Sagot ni netizen Al Gonzales: “pinapayaman ni BBM ang mga mangangalakal sa Norte na kanyang bailiwick.”
***
PAHABOL: Huwag ipilit. Walang drawing power si “powerful actress.” Hindi magsasayang ng pera sa kanya ang mga naghihikahos na mamamayan. The name of the game is pullout. Kung hindi tinanggap ng tao at kumita, tatanggalin at papalitan ng iba. Ganyan kasimple.
The post PATIBONG NG CHINA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: