Facebook

TOP 3 NEWS STORIES OF 2022

Tatlo sa pinakamalalaking balita sa taong 2022 na makokonsiderang top headliners ay ang mga sumusunod:

BBM landslide win in the May 9 presidential elections, Vhong Navàrro’s resurrected rape case at ang Percy Lapid ambush.

Tatlong malaking istorya na talaga namang sinubaybayan ng taong bayan.

Ang panaló ni BBM na nagrehistro ng pinakamaraming nakuhang boto sa kasaysayan ng pangpanguluhang halalan with more than 31 million votes ay may ilang linggo rin pinagpiyestahan ng mga Pinoy.

Eto kasi ang pinaka- one-sided presidential race na naitala sa kasaysayan ng bansa.

Ito rin ang pinakamabilis na canvassing at proclamation na naganap at naisagawa ng both houses of Congress.

Ang pagbuhay namang muli sa rape case laban sa celebrity na si Vhong Navarro ang pinaka-kontrobersiyal na kasong pinag- usapan maging sa social media.

Nàkulong si Navarro sa NBI detention facility then later inilipat sa Taguig City Jail bago mapagkalooban ng P1M bail ng husgado para pansamantalang makalaya.

Third biggest news story for 2022 ay ang brutal na pag ambush sa broadcaster na si Percival Mabasa aka Percy Lapid.

Napakaraming twists and turns ang naging imbestigasyon sa kasong ito ng mamamahayag hanggang kusang sumuko sa mga awtoridad ang self- confessed gunman na si Joel Escorial.

Namatay sa loob ng Bilibid ang itinurong mastermind na kinilalang si Jun Villamor.

Sumunod na nabulgar ang involvement sa nasabing pagpatay kay Lapid ng mismong director ng Bucor na si DG Gerald Bantag na lalong nagpasidhi sa kontrobersiyal nang kaso.

Up to this writing,wala pang inilalabas na resolusyon ang mga DOJ prosecutors.

Sa tatlong top news stories na ating tinalakay para sa taong 2022, lahat ay pumukaw sa attention and curiosity ng publiko.

Magpahanggang ngayon ay lalo pang nagsanga-sanga ang mga anggulo sa paghahanap ng kalutasan sa nasabing pamamaslang.

Habang tumatagal ay lalong nagiging mailap na makamit nang pinatay na mamamahayag ang hustisya.

Nalabutaw na ng husto ang kaso.

At sa bawat araw na dumating,padagdag nang padagdag ang bilang ng mga personalidad na idinadawit sa kaso.

As the so- called human drama unfolds, lalong lumalabo na matukoy ng mga awtoridad ang mga tunay na masterminds.

Yan po kasi ang uri ng BULOK na sistemang umiiral ngayon sa ating bansa.

Napakahirap makamit ang katarungan.

Lahat nauuwi sa usapan kung sino ang maimpluwensiya, makapangyarihan at masalapi.

Nakakalungkot mang tanggapin ang katotohanan, nahirati na itong yakapin at lunukin ng ating mga kababayan.

In short, hayaan na lamang at ituring na bahagi ng isang bangunot ng bawat dukhang nilalang.

Ang masakit,inutil ang GOBYERNO na maipagkaloob sa tao ang tamang pag aaruga sa mga mamamayan nito.

Ayaw man natin,we will end this article on a sad note na sadyang malayo pa ang pag-asa at bukang liwaway na ating inaasam- asam.

Not in the ushering year of 2023 nor the years to come.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post TOP 3 NEWS STORIES OF 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TOP 3 NEWS STORIES OF 2022 TOP 3 NEWS STORIES OF 2022 Reviewed by misfitgympal on Disyembre 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.