Facebook

CAAP NAGPALABAS NG NOTAM DAHIL SA ‘ROCKET ACTIVITY’ NG CHINA

Ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) para sa aerospace flight activities epektibo ngayong Disyembre 30, 2022 ng 12:00PM hanggang 02 January 2023 at 6:00PM.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio,ang pagsasara ng ilang area navigation (RNAV) sa mga ruta ay bilang paghahanda para sa posibleng pagbagsak ng mga ‘debris’ mula sa Long March 3B rocket launch na pinakawalan ng China sa himpapawid.

Ang paglulunsad ay sinimulan kahapon ng hapon, 29 Disyembre 2022, mula sa Xichang Sattellite Launch Center na nasa Xichang,Sichuan Province, Peoples Republic of China.

Alinsunod sa advisory ng Philippine Space Agency (PhilSA), ang drop zone area ay matatagpuan sa paligid ng Recto Bank (West Philippine Sea) kung saan humigit-kumulang 137 kilometro mula sa Ayungin Shoal at 200 kilometro naman mula sa Quezon,Palawan.

Nabatid sa ulat na kahit na ang mga ‘debris’ mula sa paglulunsad ng rocket ay malamang na hindi mahuhulog sa teritoryo ng bansa ay maaari pa rin itong magdulot ng panganib sa mga sasakyang panghimpapawid at sasakyang pandagat. (JOJO SADIWA)

The post CAAP NAGPALABAS NG NOTAM DAHIL SA ‘ROCKET ACTIVITY’ NG CHINA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CAAP NAGPALABAS NG NOTAM DAHIL SA ‘ROCKET ACTIVITY’ NG CHINA CAAP NAGPALABAS NG NOTAM DAHIL SA ‘ROCKET ACTIVITY’ NG CHINA Reviewed by misfitgympal on Disyembre 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.