Facebook

Jose’t James!

Kahapon ay ika-127 na araw ng paggunita ng pagpanaw ng ating pambansang bayani na si Gat Jose P. Rizal.

Isinilang siya bilang Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda noong ika-19 ng Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna.

Ika-38 na kaarawan din ni LeBron James na itinuturing ng marami bilang The GOAT (Greatest of All Time) na basketbolista.

Pareho silang kahanga-hangang mga nilalang at mga idolo ng barkadahan sa pondahan ni Aling Barang.

Si Ka Pepe ay doktor sa mata, dakilang manunulat, makabagong magsasaka, magaling na pintor at iscultor, eksperto sa math at science at bihasa sa maraming lenguahe. Eka ni Tata Selo ay matinik pa sa chicks.

Mahusay din siya sa sports gaya ng fencing, martial arts at pistol shooting. Kahit sa Europa ay kilala siya sa mga nabanggit na mga larangan.

Nagtataka lang si Ka Berong na wala siyang mabasang ulat kung naglaro rin si Joe ng chess na pangmatalino pa naman.

Higit sa llahat ay mahal na mahal niya ang lupang sinilangan. Marahil ay walang kapantay ang kanyang patriotismo.

Ayon kay Mang Tomas ay pinukaw niya ang damdaming ng napakaraming Pilipino at naging inspirasyon siya sa ng mga lumaban sa mga dayuhan. at mga abusado. Kaya raw hanggang sa panahong ito ay tumitindig pa siya sa mga tiwali.

Ito binitiwan niyang mga salita na hindi natin malilimutan habang may nananalaytay na dugong Pinoy sa atin.

“Hindi ako natatakot sa mga mananakop. Mas takot ako sa kamangmangan ng aking mga kababayan.”

“ Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang mabahong isda.”

Naku patay kang bata sa mga nagpakatanga nitong huling halalan.

Ire naman si LeBron Raymone James Sr ay ipinanganak noong ika-30 ng Disyembre 1984 sa Akron, Ohio.

Ang 6’9 at 250 lbs na power forward ay may 4 na singsing sa NBA. Itinanghal na rin siyang Finals MVP na 4 na ulit. Gayon din karami kanyang league MVP. 18x na naging All-Star, Rookie of the Year at maraming pang iba.

Inaasahan na malagpasan niya si Kareem Abdul Jabbar ngayong taon bilang may pinakamataas ang numero na naibuslo sa kasaysayan ng pro league. Mayroon na lang siyang kulang na 575 na puntos upang mahigitan ang dating si Lew Alcindor.

Nasa top ten din siya sa most minutess at most assists. Kaso most turnovers din.

Nguni’t ayon kay Pepeng Kirat ang nakakabilib talaga kay King James ay ang kanyang off-court na mga aktibidad. May foundation siyang tumutulong sa mga kapos-palad na mga nilalang katulad ng pagpapaaral niya sa mga kabataan. Isa pa ay mabuting halimbawa siyang asawa at ama. Bukod diyan ay ginagamit niya ang katanyagan upang maghayag ng mga korek na panininidigan sa mga isyu sa social at political life. Ang pinagusto naman ni Pepeng Kirat kay Kung James ay bagama’t haisul graduate lang ay marunong siyang palaguin ang kaniyang mga kinita bilang cager. Role model talaga.

Malamang siya rin ang humawak ng rekord bilang pinakamatandang player sa NBA sa ipinakikita niyang game sa edad niya.

Siguro mag-aabot pa sila sa liga ng mga anak na sina Bronny at Bryce.

Sana madagdagan pa ang mga gaya nila sa mundo.

The post Jose’t James! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Jose’t James! Jose’t James! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.