MASYADONG maingay ang pagmahal ng sibuyas, higit P600 na kasi ang kilo sa mga palengke sa Metro Manila.
Ang pagtaas nito ay gawa ng mga negosyante at mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Bakit?
Napakamura kasi ngayon ng sibuyas sa ibang bansa tulad ng China dahil harvest season, kaya’t gusto mag-import ng mga tarantado para makapag-imbak at maibenta ng ilang doble ‘pagdating ng off season ng sibuyas.
Mabuti’t matigas si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Hindi siya nagpatinag sa mga pautot ng mga negosyante na kasabwat ng ilang opisyal ng Department of Agriculture.
Hindi pinayagan ni PBBM ang importation ng sibuyas. Kasi nga harvest season din ng sibuyas sa Pilipinas. ‘Pag nilargahan kasi ni PBBM ang importation ng sibuyas, malulugi ang ating mga magsisibuyas. Dahil mas mura ang imported onions kesa lokal.
Ang kailangan nalang gawin ngayon ng gobyerno ay puwersahin ang mga umaangkat ng sibuyas sa mga probinsiya na babaan din ang bigay sa mga retailer para maibenta rin ng mababa ng mga vendor sa palengke.
Ang nangyayari kasi, bagama’t mababa ang kuha ng mga negosyante sa farm gate, pagdating sa pamilihan ay limang doble na ang taas. Tsina-charge kasi ang transportion at manpower. Tapos papatawan din ito ng vendor. Kaya yung P50 kada kilo na farm gate price ay umaabot na ng P600 pagdating sa merkado.
Pero nitong Huwebes ay ipinag-utos si Presidente BBM, na siya ring Agricultre Secretary, sa Department of Trade and Industry (DTI) na hanggang P250 kada kilo lang ang dapat na presyo ng sibuyas sa mga palengke.
***
Hindi natin dapat pansinin itong mataas na presyo ng sibuyas. Makapagluluto naman tayo ng masarap na ulam ng walang sibuyas. Mayroon pa namang murang bawang para pang-gisa, may tanglad na mas masarap sa sibuyas para panlasa, may kamatis, kamias, luya at suka na pampangat, nandiyan ang vetsin, magic sarap, at iba pang panghalo na mas masustansiya kesa sibuyas.
Kapag wala nang gumagamit ng sibuyas, tiyak babagsak ang presyo nito. Dahil hindi ito puwedeng iimbak ng matagal, nabubulok kundi man ay tumutubo. Kaya dedmahin natin ang mataas na presyo ng sibuyas. Hindi tayo magkakasakit o papayat ng walang sibuyas. Sabi nga ng bilyonaryang senador na si Cynthia Villar: “I can leave without onion”. Naman!
***
Natupad na ang P25 kada kilo ng bigas. Makakabili ka nito sa ADC Kadiwa Store. Well milled rice ito mula Pampanga.
Kahit ang sibuyas ay P170 lang sa Kadiwa on Wheels.
Pumoste nitong Biyernes, Dec. 30, sa Barangay 275, Manila ang Kadiwa on Wheels at nagbenta ng tig-P25 per kilo ng bigas at P170 per kilo ng pula at puting sibuyas.
Dapat padamihan ni PBBM ang Kadiwa para mapilitan naring magbaba ng presyo ang mga negosyante.
Let’s do it, Mr. President!
***
Salubungin natin ng may saya ang pagpasok ng 2023 ngayong hating-gabi. Bagong taon, bagong pagasa. Opo!
Walang isyu ng Police Files Tonite bukas at kinabukasan. See you on Monday, Jan. 2, 2023. Happy New Year!!!
The post ‘Wag pansinin ang mahal na sibuyas, maraming mas masarap na pansahog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: