Facebook

30 AIRLINE COMPANY SA NAIA TERMINALS, NAKAHANDA SA PAGTATAPOS NG HOLIDAY SEASONS

INATASAN ni General Manager Cesar Chiong ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga kinatawan mula sa mahigit 30 airline company na nag-ooperate sa NAIA Terminals na tiyaking walang abala ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay kaugnay sa pagtatapos ng holiday seasons.

Sa isang pagpupulong, iginiit ni Chiong sa tulong ng kanyang senior assistant general manager na si Bryan Co, na kailangang buksan ang check-in counters sa oras at posibleng mas maaga pa, para ma-accommodate ang mga pasaherong maagang dumating upang makaiwas sa kalagayan ng trapiko sa airport complex.

Sinabi ni Chiong na batay sa mga karaniwang advisories na inilabas ng mga airline, ang mga pasahero ay sinabihan na pumunta sa paliparan tatlong oras bago ang kanilang nakatakdang oras ng boarding kung sila ay lilipad sa internasyonal at dalawang oras para sa mga domestic traveller.

Ang payong ito, aniya, ay walang silbi kung hindi rin magbubukas ang mga counter para ma-accommodate ang mga mananakay ng maaga.

Sa maagang pagbubukas ng mga counter, sinabi ni Chiong na maiibsan ang pagsisikip ng mga pasahero sa lobby area.

Nabatid na ang mga airlines ay nagbabayad ng murang halaga sa bawat counter na binuksan at ito, ayon kay Chiong, ay walang halaga kung ikukumpara sa kaginhawaan na tatangkilikin ng kanilang mga pasahero.

Idinagdag pa ni Chiong na kaya nito pinulong ang mga kinatawan ng airlines ay upang maging handa sa pagdagsa ng mga pasahero kaugnay sa pagtatapos ng kapaskuhan.

Libu-libong pasahero ang inaasahang aalis kapag natapos na ang bakasyon at dahil dito, kailangang tiyakin na ang mga proseso ay hindi lamang episyente kundi mabilis din.

Sinabi ng tagapamahala ng paliparan na mahalagang lumikha ng isang kaaya-ayang pangmatagalang impresyon sa mga papaalis na pasahero upang maibahagi nila ito sa ibang manlalakbay na maaaring mahikayat na bumisita dito sa Pilipinas. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

The post 30 AIRLINE COMPANY SA NAIA TERMINALS, NAKAHANDA SA PAGTATAPOS NG HOLIDAY SEASONS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
30 AIRLINE COMPANY SA NAIA TERMINALS, NAKAHANDA SA PAGTATAPOS NG HOLIDAY SEASONS 30 AIRLINE COMPANY SA NAIA TERMINALS, NAKAHANDA SA PAGTATAPOS NG HOLIDAY SEASONS Reviewed by misfitgympal on Disyembre 30, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.