Facebook

HOME COURT ADVANTAGE

NAG-UULYANIN na ba si Carlos Padilla? Ito ang tanong dahil sa kanyang pagsisiwalat na nandaya siya sa isang laban ni Manny Pacquiao mahigit 20 taon na ang nakalipas. Kahit ang kampo ni Mane ay hindi makapaniwala sa sinabi ng tatay ng sikat na mang-aawit na si Zsa Zsa. Kasi bakit ngayon lang siya nagsalita? Bakit hindi niya sinabi noon iyan?

Sa kanyang sagot na nailathala ng pahayagang ito, sinabi ni Mane na hindi siya o ang kanyang kampo ang nandaya sa laban. Boksingero siya at ginawa niya lamang niya ang tungkulin bilang isang manlalaro ng boksing. Nakipagpalitan siya ng suntok sa kalabang boksingero. Trabaho ni Padilla na kontrolin ang laban bilang referee. Kaya hindi niya problema ang problema ni Padilla.

Dito nangyari ang laban kaya natural na nagkaroon siya ng home court advantage, aniya. Tama si Mane. Kahit pagkakaisipin na wala sa matwid ang pagsisiwalat ni Padilla. Walang malinaw na kahihitnan kundi pagdudahan na bahagi lamang iyon ng kanyang pag-uulyanin. Kasama sa pagtanda ang pag-uulyanin o ang pagkakaroon ng Alzheimer’s Disease. O baka bahagi lang ng dementia iyan?

May hawig ang nangyari sa isang laban ni Rolando Navarette dito sa bansa noong kampeon pa siya. Laban ito ni Navarette sa isang Koreano mahigit 30 taon na ang nakalipas. Bumagsak si Navarette pero save by the bell. Tumunog ang kampanilya ng mas maaga dahil may nalalabi pang 13 segundo sa laban. Kung hindi tumunog ang kampanilya at itinuloy ang boksing, natalo malamang si Navarette. Nakabawi si Navarette at pinatulog ang Koreano sa laban. Totoo ang home court advantage sa boksing.

***

MGA PILING SALITA: “Huwag magtaka kung patuloy pa rin ang programa na ipadala ang ating mga OFW sa ibang bansa. Wala tayong sariling industriya na maaaring paglagyan ng mga dumadaming manggagawa. Lahat ng programa sa industriya sa nakalipas na panahon ay bumagsak. Wala tayong magaling na pulitiko na nakaisip ng tamang programa upang manatili sa bansa ang ating mga manggagawa. Ang alam ng mga pulitiko ay magnakaw. Magaling silang magnakaw. Si Rodrigo Duterte nga gangster talaga iyan. Ang alam niya ay pumatay. Pero nakita niya na uusigin siya ng ICC. Kaya sa huling tatlong taon ng kanyang anim na taon termino, walang ginawa kundi nagnakaw na rin. Naging magnanakaw na rin.” – PL, netizen

“Judge Rodrigo Pascua Jr. sentenced Caloocan police officer Jeffrey Perez to reclusion perpetua or up to 40 years of imprisonment for torturing Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman & planting evidence in the case of Carl Arnaiz. Where is your boss who said, ‘Akong bahala sagot ko kayo?'” – Eden Pelaez, netizen, social critic

***

MAYROON isang patapon at pipitsugin na blogger na kamping-kampi kay Rodrigo Duterte ang nagmungkahi na alisin ang mukha ni Ninoy Aquino sa P500 papel na pera at palitan ng iba na lang na hindi niya binanggit. Wala sanang problema iyan ngunit ipinakita lang ang kanyang labis na kamangmangan at katangahan sa usapin.

Hindi niya alam ang mandando ng Saligang Batas ng 1987. Isa sa mga probisyon ang pagkakaroon ng isang “central and independent monetary authority.” Ang Bangko Sentral ang pangunahing awtoridad pagdating sa usapin ng salapi ng bansa. Ito ang nag-iisyu, nag-iimprenta, at nagkokontrol sa itinuturing na sapat na halaga ng salapi, o legal tender, na maaaring umikot sa bansa. Hindi tio dapat kontrolin at manipulahin ng kahit sino, o kahit ang presidente ng bansa. Dapat malayang nakakapagdesisyon ang Monetary Board sa mga polisiya.

Sa maikli, hindi basta-basta napapalitan ang nasa mukha ng ating salapi. Kailangan ang desisyon ng Monetary Board diyan. Iyan ang hindi alam ng blogger.

***

NAPANOOD namin noong isang gabi ang documentary film “Becoming” sa Netflix. Tungkol ito kay Michelle Obama, ang dating unang ginang ng Estados Unidos. Siya ang maybahay ni Barack Obama, ang pang-44 pangulo ng Amerika. Tungkol ito sa kanyang karanasang bilang unang ginang. Itim si Michelle at galing siya sa mga ninuno na galing Africa at naging alipin. Mayroon siyang isinulat na aklat na ganyan rin ang titulo at tungkol ito sa kanyang mga karanasan.

Nakita ko sa documentary ang selebrasyon ng mga Amerikano noong nanalo ang kanyang asawa sa halalan. Nagmukhang isang malaking piyesta. Kung ihahambing sa panalo umano ni BBM noong Mayo, napakalayo ng agwat. Nanalo umano si BBM pero nagmukhang lamay sa patay ang kanyang panalo. Walang selebrasyon. Walang ningas. Walang alab. Kung ihahambing si Michelle sa kasalukuyang unang ginang ng bansa, napakalayo ng agwat. Matalino si Michelle at palaging may laman ang kanyang bawat galaw at salita. Napakalayo.

***

Pakibasa ang aking isinulat tungkol sa pangulo bilang pinuno ng estado:

THE PRESIDENT AS HEAD OF STATE
The most visible peculiarity of a presidential system like ours is the fact that the president is not just the head of government; he is also the head of state.

Patterned after the political system of the United States, a former colonial ruler, our presidential system mandates that the president does not only attend to the day-to-day affairs of our country; he is also mandated to represent our values, ideals, and collective resolve as a people.

As head of state, the president symbolizes our dreams and aspirations, our collective will to rise from all those challenges in life. The president, in short, should inspire us. When a president fails to inspire us, his presidency is deemed a failure.

During the 1998 political campaign, Erap Estrada admitted extramarital relations to the dismay of many people, who adhered to middle class value systems and Church teachings. Although he won the presidency, many people were uncomfortable with his womanizing and even hard drinking ways.

The principal of the school, where my daughter attended high school, told me: “Mr. Lustre, we find it most difficult to teach our children of moral values, when the President himself has several wives. We are in a dilemma.”

I could not offer any argument to what the principal told me. She was absolutely correct.

By next year, we would have the fifth post-martial law presidential elections. The presidential candidates will offer themselves to the people.

It would be best for us to elect the presidential candidate, who has a keen understanding of the job of the president.

We should elect the presidential candidate, who understands that the president is the president of all Filipinos and the symbol of our sense of nationhood.

We should reject the candidates with distorted sense of values, or those who possess the convoluted logic that he is the center of the universe.

The post HOME COURT ADVANTAGE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HOME COURT ADVANTAGE HOME COURT ADVANTAGE Reviewed by misfitgympal on Disyembre 01, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.