Facebook

‘HUWAD’ NA CONSULTANCY FIRM, IPINASARA NG DMW

INIUTOS ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang pagsasara ng isang travel consultancy firm na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland.

Ayon kay Ople, iniutos nito na ipasara ang IDPLumen Travel Consultancy Services, na naniningil ng aabot sa P 122,000 mula sa mga aplikante. Ang kautusan ay isinagawa ng Anti- Illegal Recruitment Branch ( (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa sabay-sabay na pagsasara ng mga operasyon sa punong tanggapan ng kompanya s San Fernando, Pampanga at mga tanggapan nito sa Santiago City, Isabela at Tabuk City, Kalinga.

Binalaan ni Ople ang ating mga kababayan na huwag makikipagtransaksyon sa mga travel consultancy firm na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa dahil ito ay illegal recruitment at may naghihintay na one-way ticket sa kulungan ang mga nagpapatakbo ng ganitong pekeng trabaho.

Ang mga operasyon ay isinagawa ng AIRB sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga yunit ng pulisya sa kani-kanilang mga lungsod.

Nabatid sa ulat na ang surveillance operations na isinagawa ng AIRB ay nagsiwalat na ang IDPLumen, sa ilalim ng pagkukunwari ng isang travel consultancy firm, ay nag-alok ng trabaho sa Poland para sa mga truck driver,welder, at factory worker na may buwanang suweldo mula Php 35,000 hanggang Php 124,000.

Nadiskubre umano na ang IDPLumen Travel Consultancy Services ay walang lisensya mula sa POEA para gumana bilang recruitment agency at wala rin itogn validated ng mga job order sa ibang bansa.

Nakolekta din ng kumpanya ang mga processing fee na aabot sa P122,000 mula sa mga prospective na aplikante ng trabaho sa ilalim ng dalawang opsyon- alinman sa regular na upfront parment o isang scheme na “ fly now, pay later.”

Inihahanda na ng nasabing ahensiya ang pagsasampa ng kasong illegal recruitment laban sa IDPLumen at hinihimok ang mga naging biktima nito na makipag-ugnayan sa DMW upang sila ay matulungan sa pagsasampa ng mga kaso laban sa nasabing consultancy services. (JOJO SADIWA)

The post ‘HUWAD’ NA CONSULTANCY FIRM, IPINASARA NG DMW appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘HUWAD’ NA CONSULTANCY FIRM, IPINASARA NG DMW ‘HUWAD’ NA CONSULTANCY FIRM, IPINASARA NG DMW Reviewed by misfitgympal on Disyembre 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.