
Ito ang iginigiit na kahilingan ng mga magulang ng mga batang nasawi sa mala-tortyur na epekto ng DENGVAXIA VACCINES na inilunsad noong taong 2016.
Sa obserbasyon ng SAMAHAN NG MGA MAGULANG ANAK AY BIKTIMA NG DENGVAXIA ay kaduda-duda na umano ang itinatakbo ng kaso na dumarami ang nadi-dismiss sa mga inihaing kaso at tila mas pinapaboran pa ang mga personalidad na dapat usigin at papanagutin ang mga naglunsad ng kawalang-ingat na pagbabakuna.., sa kabila ng babala ng DENGVAXIA MANUFACTURERS na ang mga hindi pa nagkaka-dengue ay hindi maaaring turukan ng DENGVAXIA VAX.., subalit, nilahat na ang mga batang mag-aaral ay binakunahan kahit walang permiso ng mga magulang at hindi pa naman nagkaka-dengue.
Hiling ng mga magulang kay DEPARTMENT OF JUSTUCE (DOJ) SECRETARY JESUS CRISPIN “BOYING” REMULLA na mag-INHIBIT na sa DENGVAXIA CASE si DOJ UNDERSECRETARY JESSE HERMOGENES ANDRES kasama na ang buong PANEL ng STATE PROSECUTORS at IPAUBAYA na lamang sa QUEZON CITY STATE PROSECUTORS ang paghawak sa nasabing kontrobersiyang kaso..
Anila, hindi nila ninais na magbitiw sa pagiging DOJ USEC si ANDRES, kundi ang kanilang kahilingan lamang ay huwag na siyang maki-alam sa mga DENGVAXIA CASE at ipaubaya na lamang ang paglilitis ng mga kasong Dengvaxia sa mga PROSECUTOR ng QUEZON CITY.., upang maalis ang kanilang agam-agam na mawawalan ng saysay ang kanilang ipinaglalaban kung mananatiling si USEC ANDRES ang mangangasiwa gayong ang kanilang isinasakdal ay ang dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y ILOILO REPRESENTATIVEr JANETTE GARIN na dating kliyente ni USEC ANDRES.
Ipinunto ng mga magulang na ang kanilang pagtitiwala sa mga PANEL ng STATE PROSECUTORS na nagsisilbi sa ilalim ng pamumuno ng dating abogado ni REP. GARIN na si USEC. ANDRES ay nawala na umano, sa kadahilanang simula nang maging DOJ USEC ito ay marami nang dinismiss na mga kasong isinampa tulad sa kawalan ng DENGVAXIA CARD gayong may mga nagpapatotoo na naturukan ng DENGVAXIA ang kanilang mga anak.
Nitong December 5, 2022 ay nagsagawa ng rally sa harap ng DOJ ang mga magulang ng mga batang nasawi sa DENGVAXIA VACCINES, na ipinagsigawan ang kanilang kahilingan para sa INHIBITION ng mga PANEL ng STATE PROSECUTORS at ni USEC. ANDRES at tigilan na ang kanilang partisipasyon sa mga kasong nakasampa na sa korte na may kinalaman sa pagkamatay at malubhang pagkakasakit ng kanilang mga anak na sumailalim sa DENGVAXUA VACCINATIONS.
“Ang aming pagtitiwala na makakamit namin ang hustisya para sa aming mga anak ay unti-unti nang napaparam, parang kandilang aandap-andap na sa anumang oras ay mamamatay na rin katulad ng nangyari sa aming mga anak. Nagbabadya na para bang namamayani pa rin ang aming mga isinasakdal dahil ang mga taong aming inaasahan na sana ay tatalima sa aming hiling na hustisya ay siya pang kumikiling sa panig ng.mga inuusig. Ito ay isang masaklap na katotohanan,” paghihinagpis ng isa sa mga magulang na namatayan ng anak dahil sa DENGVAXIA VAX.
Ang mga magulang ng mga DENGVAXIA VICTIMS ay sinserong inaasistehan ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) sa pangunguna ni CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA at maging ang 18-anyos na si JOYCE ANN CORPUZ ng CAINTA, RIZAL na dumanas ng masamang epekto mula sa COVID VACCINE ay umuusad na sa QCRTC Branch 222, na ang mga pangunahing nasasakdal ay sina DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III at ang ngayo’y OFFICER-IN-CHARGE HEALTH SEC. NARIA ROSARIO VERGEIRE.
Ang kasong inihain ng magulang ni JOYCE ANN na si JOEL CORPUZ sa asiste ng PAO ay ang ipatigil muna ang pagpapaimplementa sa pagbabakuna ng COVID sa mga minor age dahil maraming mga nabakunahan nitong COVID pandemic ang namatay na hindi naipabalita at maging sa fb posts ay dini-delete ng fb management.., na mabibilang pa lamang sa magulang na tulad ni Joel Corpuz ang naghain ng kaso sa korte dahil sa masamang epektong dinanas ng kaniyang anak.
Ang ating mga GOVERNMENT OFFICIAL ay laging iginigiit sa publiko na ang COVID VACCINATIONS ay aprubado ng BUREAU OF FOOD AND DRUGS (BFAD) gayung ang inaprubahan lamang ay para sa EMERGENCY USE AUTHORITY (EUA) at hindi pa aprubado para sa PRODUCT CERTIFICATION.. dahil ang isinagawang covid vaccinations sa lahat ng mga bansa ay pawang EXPERIMENTATION pa lamang. , at hindi ito ipinaliwanag ng ating mga HEALTH OFFICIAL kundi tahasang iniligaw ang kaisipan ng mamamayan para mahikayat ang lahat na sumailalim sa COVID VAX at makalipas ang ilang buwan ay kailangang umulit uli sa pagpapabakuna ., na makalipas uli ang ilang buwan ay kailangang pabakuna uli para maikonsiderang FULLY VAX.., pero paglipas uli ng ilang buwan ay kailangan daw magpa-booster ang mga ikinonsiderang FULLY VAX.., na ang katotohanan nito ay bahagi lamang ng EXPERIMENTATION ng mga COVID VACCINE PRODUCTS na inimbento ng iba’t ibang.mga VAX MANUFACTURER.
Kaya mga ka-ARYA.. ang demandahan sa mga nasawi sa DENGVAXIA VAX at sa COVID VAX ay isang “EXTREME EXPERIMENTATION CASE” ang nilulusong ng mga biktima at ng PAO.., dahil ang mga nasasakdal sa naturang mga kontrobersiya ay pawang HIGH GOVERNMENT OFFICIALS na normal lamang na nilalabo at gumagawa ng mga taktika ang mga nasasangkot upang malusutan nila ang kanilang naging mga kapabayaan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post DENGVAXIA CASE IPAUBAYA SA QC PROSECUTORS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: