Facebook

LEE AT NARTATEZ VS TISOY AT NONIT!

SINASAMANTALA ng notoryus na gambling/drug lord sa CALABARZON area na sina Tisoy at Nonit ang panggagamit sa pangalan nina Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, P/Maj. Gen. Ronald Lee at Region 4A Police Director, P/BGen. Jose Melencio “Tating Nartatez Jr. at ang nakapagdududang pananahimik ng mga naturang heneral kontra illegal gambling at drug operation.

Sina Tisoy at Nonit na financier/ operator ng sugal na baklay na kilala rin sa tawag na sakla at STL con jueteng na hinihinalang front din sa pagbebenta ng shabu at iba pang bawal na droga sa malapit sa PGMCI Rural Bank, sa Gen. Malvar Street sa bayan ng Padre Garcia, Batangas at mga kanugnog na lugar, ay lantaran ang panggagamit at ipinananakot sina Maj.Gen. Lee at PGen. Nartatez Jr. sa mga pulis operatives, National Bureau of Investigation (NBI) na nagtatangkang hulihin, gambalain ang kanilang iligal na gawain.

Matatandaan na noong si dating P/BGen. Ely Cruz (ngayon ay Maj. General na) ang regional commander ng CALABARZON area (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mga pasugalan nina Tisoy at Nonit ay hindi nakaporma, pansamantalang tumigil ito matapos na ipa-raid at paghuhulihin ng noon ay masisipag at agresibo sa trabahong Regional Special Operation Unit (RSOU) ang mga kolektor at kabo ng nasabing mga iligal na negosyo sa rebisahan sa Brgy.Poblacion, Padre Garcia malapit din sa kanilang saklaan.

Ang dalawang gambling lord (GL) na ito ay mga tigasin dahil pati pangalan ni Batangas Gov. Hermilando “Dodo” Mandanas ay kanila ding ginagamit sa kanilang pagpapatakbo ng kanilang pasakla at pa-STL bookies at palihim ding nagpapabenta ng shabu sa 18 barangay sa Padre Garcia at sa mga kanugnog na laylayang barangay ng Lipa City at bayan ng Rosario, pero hindi umubra kay Gen. Cruz ang kanilang katarantaduhan.

Subalit nang maupong RD4A si Gen. Nartatez Jr. matapos na malipat sa Camp Crame si Gen. Cruz ay muling nakabalik ang dalawang kolokoy sa kanilang pasakla at STL con-jueteng operation sa naturang lugar at bayan kung saan dito na nila ipinagyabang ang pangalan nina Maj.Gen. Lee at PBGen. Nartatez Jr. bilang umano’y kanilang mga backers kaya naituloy ang kanilang illegal gambling at drug operation.

Dahil sa pagbabalik nina Tisoy at Nonit sa salot nilang gawain, napapagkumpara tuloy sina Gen. Cruz, Lee at Nartatez Jr.- ang una ay puring-puri ng madlang pipol dahil ginagawa raw nito ang trabaho bilang lingkod-bayan, samantalang kabaligtaran, negatibo ang pananaw at dating kina Gen. Lee at Gen. Nartatez Jr., dahil sila’y parehong di kumikibo laban sa mga nasabing sugal sa Padre Garcia, bagkus ginagamit pa ang kanilang pangalan ng naturang vice at drug lord.

Ang di pag-aksyon nina Maj, Gen. Lee at BGen. Nartatez Jr. sa kalokohan nina Tisoy at Nonit ay tiyak na magdadala ng pagdududa sa taong-bayan, pero sa ganang atin,baka talagang ginagamit lang ang kanilang pangalan para sa pansariling agenda ng dalawang GL na Padre Garcia gambling/ drug lords.

Makakasira ito sa kanilang imahe (Gen. Lee at Gen. Nartatez Jr) lalo na kung makakarating ang mga kabalbalang nangyayari sa kaalaman ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. (PBBM).

Gayunpaman, tulad ng ginawang aksyon ni Gen. Ely Cruz noong kanyang kapahunan sa R4A na hindi pinaporma sina Tisoy at Nonit, kailangang kumilos din sina Maj.Gen. Lee at PBGen. Nartatez Jr.-pahuli ang mga iligal ng dalawang sigang GL na ito para sila’y di pagdududahan at magmukhang masama at kontrabida sa paningin ng mapanuring mamamayan.

Ang patuloy na pananahimik sa panggagamit sa kanilang pangalan at di pagkilos para ipahuli ang sakla at STlL con- jueteng sa Padre Garcia ay maliwanag na pangungunsinte ng kapulisan ni Batangas Provincial Director, Col. Pedro Soliba, at CIDG Provincial Officer, Maj. Jet Sayno na ang puna at latay ay kina Maj.Gen Lee bilang CIDG director at BGen. Nartatez Jr., sa pagiging R4A Chief, dahil sa kanilang mahina at makupad na liderato.

Lalo pa ring magtutumibay ang hinalang sa nasabing rehiyon ay may nagpapakolekta ng tong na isang R4A police official code named RC sa kanilang mga “kapustahan” (tong kolektor) sa mga pangunahing iligalista sa ibat ibang lalawigan ng R4A at sina Tisoy at Nonit ang nangunguna sa may 20 na gambling/drug lord na naghahatag ng lingguhang protection money, intelhencia, suhol o tongpats sa nasabing korap na opisyal sa Camp Vicente, Laguna.

Si RC na may kabuuang nakikikil na mahigit sa Php 1.5 milyon sa STL bookies at sakla weekly ay isa lamang sa ilan ding mga top-ranking official sa CALABARZON at CIDG na pinaghihinalaang tumatanggap ng suhol sa mga STL bookies, sakla, paihi at iba pang kailigalan sa rehiyon na karamihan ay nag-ooperate sa hurisdiksyon ni Laguna PNP Provincial Director, Col. Randy Glenn Silvio?

Ang listahan ng lingguhang payola o intelhencia mula sa Laguna at Batangas pa lamang para kay code-named RC na napasakamay ng SIKRETA ay ang mga sumusunod:
1. Tisoy at Nonit STL bookies – Php 350,000, sakla – Php 150,000
2. Ocampo Tanauan, STL bookies – Php 300,000
3. Tita – Php 350,000
4. Tose – Php 200,000, Bareto – Php 40,000
5. Ablao – Php 40,000
6. Jason – Php 35,000
7. Osel – Php 35,000
8. Timmy – Php 30,000
9. Orlan – Php 30,000
10. Kon. Burgos – Php 30,000
12. Mayang – Php 25,000
13. Angke – Php 20,000
14. Willy Bokbok- Php 20,000
15. Ailyn/Tagoy (sakla- GMA,Cavite) – Php 20,000
16. Nico – Php 20,000
17. Sherwin – Php 20,000
18. Jess – Php 12,000
19. Gil – Php 10,000
20. Vener – Php10,000.

Sa nabanggit na payola kay code-named RC, ay hindi kasama ang nakokolekta din sa iba pang mga saklaan, mga pergalan at maging paihian sa Laguna, Batangas, Rizal, Cavite, at Quezon at iba pang kailigalan. Kapag pinagsama-sama ito, mantakin natin na hindi birong milyones pala ang nahaharbat sa weekly tongpats pa lamang ng naturang PNP official!

GEN. LEE AT GEN, NARTATEZ JR. WALANG AKSYON. SA MINI-CASINO SA LIAN
BUKOD sa Padre, Garcia, Batangas ang pangalan nina MGen. Ronald Lee at BGen. Tating Nartatez Jr. ay gasgas na gasgas din sa panggagamit ng financier/ operator ng mini casino sa katabi ng palengke ng bayan ng Lian na heavily guarded pa daw ng mga pulis mula sa Batangas Provincial at Region 4A Police Headquarters sa Camp Gen. Miguel Malvar, Batangas City at Camp Vicente Lim sa Laguna?

Kung totoo ang kuwento ng ating police asset hinggil sa paggugwardiya ng mga pulis sa mini casino malapit sa public market ng Lian ay isang iligal na gawain dahil ito ay ipinagbababawal ng batas. Philippine National Police Chief, Rodolfo Azurin Jr., sir anyare sa iyong mga pulis general?

Ano bang pinaggagawa nina Batangas PNP Provincial Director, Col. Pedro Soliba, ng kanyang staff, Lian Police Chief, Major Jeffrey Dallo at Police Major El Cid Villanueva sa Padre Garcia?

Ang mini casino na ito ay dinarayo ng mga big-time gambler, karamihan pa ay mga mananabong na gumon sa pagsusugal sa ibat ibang mga bayan, siyudad o lalawigan ng rehiyon na ang paboritong tayaan bukod sa mga sakla, mahjong, color games, monte, beto-beto, cara y cruz, lucky nine, ay ang bilyar na ang taya ay umaabot sa milyon, katulad noong nakaraang ilang araw na umabot sa Php 3.8 milyon ang pustahan ng dalawang grupo ng mga Batangueno.

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com; cp # 09664066144

 

 

 

 

 

The post LEE AT NARTATEZ VS TISOY AT NONIT! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LEE AT NARTATEZ VS TISOY AT NONIT! LEE AT NARTATEZ VS TISOY AT NONIT! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.