
Pormal na pinasinayaan nitong nagdaang araw ang TRANSITION HOUSING UNITS sa pangunguna nina QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE kasama sina UP DILIMAN CHANCELLOR DR. FIDEL NEMENZO, PB ZENAIDA LECTURA at DISTRICT 4 ACTION CENTER OFFICER ENGR. ALBERTO FLORES.
Ang naturang TRANSITION HOUSING UNITS na may kabuuang 112 UNITS ay handog ng PAMAHALAANG LUNGSOD para sa mga taga-PUROK MARILAG, BRGY. UP CAMPUS na naging biktima ng sunog noong Mayo bilang mga unang magbebenepisyo sa nasabing TRANSITION UNITS para sa ikapagkakaroon ng maayos at ligtas na pansamantalang tirahan.
Nakiisa rin sina QC HOUSING COMMUNITY DEVELOPMENT AND RESETTLEMENT DEPARTMENT HEAD RAMON ASPERER at CITY ARCHTIECT DEPARTMENT HEAD ARCH. LUCILLE CHUA sa ginanap na inauguration at ceremonial turnover.
May 1,500 na ASPIRING ENTREPRENEURS naman ang nabigyan ng dagdag na kapital para sa kanilang negosyo sa pamamagitan ng PANGKABUHAYAN QC PROGRAM ng QC SMALL BUSINESS AND COOPERATIVES DEVELOPMENT PROMOTIONS OFFICE (SBCDPO).
Ang mga benepisaryo ng programa ay nabigyan ng P10,000 hanggang P20,000 na pangkapital mula sa lungsod, na dinaluhan din nang mga ka-partner ng QC tulad ng DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI), Lazada, Meralco, Sarisuki, San Miguel Food Corp., RCBC, Unionbank MSME Business Banking, ECPay, GCash, Cebuana Lhuillier, IMS-ANEC Global, Association of Filipino Franchisers Inc., at ang pinakabagong partner ng lungsod na Go Negosyo.
***
PANAWAGAN NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO…
Ipinababatid ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) na hanggang December 26, 2022 ang kanilang paanyaya para sa mga magpapasa ng panukalang aklat na proyektong pampublikasyon.
Tatanggap ang patnugutan ng KWF Publikasyon ng teknikal na mga akda, saliksik pangwika, malikhaing akdang pampanitikan na nakasulat sa Filipino at sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas gaya ng Sebwano, Chavacano, Hiligaynon, Ilocano, Waray, Bikol, Kapampangan, Tausug, Mëranaw, Kinaray-a, Surigaonon, at iba pa.
Bukás ang panawagan para sa lahat ng manunulat, editor, tagasalin sa Filipino at rehiyonal na mga wika.
Layon ng proyekto na palakasin pang higit ang paggamit sa wikang Filipino at mga rehiyonal na wika sa Pilipinas. Gayundin, target nitong matipon ang mahahalagang akdang pumapaksa sa wika at kultura ng bansa na magagamit sa pag-aaral, pagtuturo, at pananaliksik ng mga estudyante, guro, at iskolar.
Para sa iba pang detalye at mga panuntunan sa paanyayang ito ng KWF ay maaring buksan ang kanilang https://ift.tt/z9esI1D.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851para sa inyo pong mga panig.
The post TRANSITION HOUSING SA POOK MARILAG, QC! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: