Facebook

MERRY CHRISTMAS SA ATIN PONG LAHAT!

Bisperas po ng Kapaskuhan at mamaya lamang pong konti, ganap na ika-12: 00 ng hating-gabi ay sabay- sabay nating gagawin ang tradisyunal na “Noche Buena” kung saan ating pong makakapiling sa hapag kainan ang ating mga mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kapanganakan ng Poong Jesus,ang Dakilang Manunubos.

On this note, nais po ng inyong abang lingkod na batiin kayong lahat ng isang masaya,ligtas at punung- puno ng pag-ibig na Pasko kalakip ang positibong hangaraing nawa’y maghari sa ating mga puso ang malasakit,respeto at pagmamahal sa ating kapwa.

Bigyan natin ng pagkilala ang kasalukuyang gobyerno sa maayos at mapayapang selebrasyon ng Pasko 2022 partikular na ang kapulisan sa masipag at agresibo nitong pagsasaayos ng peace and order situation di lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ang pinaigting na police visibility lalo na sa matataong lugar gaya ng malls,mga simbahan at kugar- pasyalan ay sadyang kapuri- puring hakbangin ng PNP.

Bagamat paulit ulit nating binabatikos ang LIDERATO ni PNP chief, Gen.Ridolfo Azurin dahil sa maraming lapses sa ilang aspeto, thumbs up naman tayo sa efforts ng pambansang kapulisan sa pagmimintine ng peace and order sa pangkalahatan.

Bagamat sadyang napakahirap ng buhay, hindi ito naging hadlang sa mga Pinoy na paghandaan ang pagsapit ng Kapaskuhan.

Literal na puno ng mga Christmas shoppers ang mga malls at naging busy ang mga sikat na hotels at restaurants and event places sa kaliwa’t kanang Christmas parties na isinagawa na isang indikasyon na ang Pinas talaga ang isa sa “happiest places”in the world during this yuletide season.

Isa sa naging napakalaking sakripisyo nating lahat ngayong holidays ay ang kasumpa- sumpang sitwasyon ng trapiko.

Everywhere you go anytime of these days ay talagang mapapamura ka dahil sa monstrous traffic congestion.

Sobra na talaga ang volume ng mga sasakyan.

Lahat ng entry at exit points from NCR to the neighboring provinces ay sadyang usad- pagong ang galaw.

Lalo pa itong lumala dahil nga sa sunud- sunod na aktibidad ng ating mga kababayan ngayon ngang Christmas season at papalapit na Bagong Taon.

Pero sa kabila nito,ramdam natin ang saya sa bawat puso ng mga Pinoy especially to the kids na may halos tatlong (3) taon din na-confined sa comfort ng kanilang mga tahanan due to the Covid-19 pandemic.

Again,Maligayang Pasko po sa ating lahat!

Wag po nating kalilimutan na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagbibigayan,pagkaka-unawaan at pagmamahalan nating lahat more than anything else.

Pahabol,wala po sa materyal na bagay natin makukuha o matatanggap ang tunay na kaligayahan kundi sa presensiya ng ating mga mahal sa buhay ngayong Pasko!

Merry Christmas everyone!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post MERRY CHRISTMAS SA ATIN PONG LAHAT! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MERRY CHRISTMAS SA ATIN PONG LAHAT! MERRY CHRISTMAS SA ATIN PONG LAHAT! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.