
IGINIIT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang epektibong pagpapatupad ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS sa naging speech nito sa opening ng ASEAN-EU Commemorative Summit.
Pahayag ng Pangulo, sa pamamagitan nito ay matutugunan ang maritime disputes maging ang geopolitical rivalry sa Indo-Pacific para maabot ang minimithing maging isa itong sea of peace.
Parte aniya ito ng tatlong prayoridad para sa mas matatag na kooperasyon sa ASEAN-EU region na nasa ilalim ng matibay na maritime cooperation.
Giit naman ng pangulo sa usapin ng climate change mitigation ay kailangan ay sama-samang paglaban o united effort at ang mga aksiyon ay dapat nang gawin ngayon. (Vanz Fernandez)
The post Pagpapatupad ng UNCLOS iginiit ni PBBM sa opening ng ASEAN-EU Summit appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: