
KASABAY ng pag-unlad sa buhay, hindi maiiwasang marami ang mainggit at mam-bash kay Rosemarie Tan na may ari ng kilalang Rosmar Skin Essentials.
Tsika nga ni Rosemar sa idinaos na media con niya kamakailan, hindi na lang daw niya pinapansin ang mga taong kahit hindi raw niya inaano, ay paborito siyang tirahin.
Sabagay, magkaroon ka ba naman ng milyong followers sa Tiktok at halos 600K followers sa IG, bakit ka pa naman nga papatol sa mga wala lang magawa sa buhay.
Sa Tiktok din nakilala ni Rosmar ang kanyang asawa na si Nathan na isa ring Tiktoker.
Sa edad na 28, milyonarya na si Rosmar dahil kahit 10 months pa lang ang kanyang beauty skin care ay pumatok na agad ito. Kaya tunay na tama ang kanyang hashtag na #ROSMARLANGANGMALAKAS
Nahilig sa pag-arte noon si Rosmar ay nabanggit niya na nakalabas siya sa Kapuso Mo Jessica Soho, Halik at iba pa. Pero dahil anya sa hindi pa naman siya kilala noon, napagod umano siya kaya naisipan na lang magnegosyo ng skin care products.
Dito na nga nagsimulang mabago ang takbo ng buhay ni Rosmar na ngayon ay certified milionaire na.
Nagkomento rin siya sa demanadan nila ni itinuturing na karibal sa business na si Glenda dela Cruz ng Brilliant Skin na ngayon ay nasa korte pa rin. Basta nilinaw ng magandang negosyante na wala anyang katotohanan na sinisiraan niya si Glenda. Basta ang kanyang Rosmar Skin Essentials lang ang pinagtutuunan niya ng atensyon.
Nais lang daw ni Rormar na maging inspirasyon sa iba ang nangyari sa kanya. Malaking pasasalamat daw sa Diyos at sinuwerte siya sa buhay. Sa palagay niya, kaya raw siya pinagkalooban ng biyaya ay dahil sa mapagbigay at matulungin siya sa iba lalo na sa mga mahal niya sa buhay.
Samantala, malaking tagumpay ang idinaos na 1st Xmas party nlla na may mahigit sa 2000 mga inimbitahang sellers, distribuors at iba pang partners.
Ginanap ang okasyon sa SMX Convention Center at dumalo ang mga panauhing sina Michael Pangilinan, Faith Cuneta, Wilbert Ross, Joseph Marco at Gerald Anderson.
Namigay si Rosmar ng 1-M pesos, apat na sasakyan, 10 motor, 100 IPhone 14 at iba pa.
The post Rosmar ‘di pinalad sa pag-arte, nag-hit naman sa skin care products appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: