
Sa kabila ng puspusang kampanya sa peligrong kamatayang hatid ng PANINIGARILYO ay tila hindi alintana ng mamamayan dahil marami pa rin ang mga HITIT BUGA.
Sa tala ng WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) ay nasa 100,000 FILIPINOS ang namamatay kada-taon dahil sa epekto ng PANINIGARILYO na nagreresulta sa LUNG CANCER at CARDIO OBSTRUCTIVE PULMONARY DISEASE (COPD).
Nalikha man ang REPUBLIC ACT (RA) No. 9211o ang TOBACCO REGULATION ACT OF 2003 na isinasaad dito ang regulasyon sa PANINIGARILYO sa mga pampublikong lugar, regulasyon sa tobacco advertising, promotion, sponsorship at sales restrictions ay marami pa rin ang ADIK sa PANINIGARILYO.
Sa isinagawang media forum kamakalawa ng ASCRA CONSULTING INC sa SEDA VERTIS, QUEZON CITY ay inilahad na ang PANINIGARILYO ay nagdudulot ng 6,000 HARMFUL CHEMICALS kumpara sa VAPOR PRODUCTS o ang VAPING.
Ipinunto ni ASCRA PROJECT COORDINATOR JOSE SONGSONG, ang PUBLIC HEALTH ENGLAND na siyang HIGHEST HEALTH AUTHORITY sa UNITED KINGDOM ay nadiskubre nila na ang VAPE ay 95% LESS HARMFUL kumpara sa sigarilyo at sa LOCAL STUDY ay lumalabas na ang VAPOR PRODUCTS ay nakapagdudulot ng LESS HEAVY METALS tulad ng LEAD at CADMIUM kaysa sa sigarilyo.
Kaya naman nalikha ang VAPING LAW o ang RA 11900 na sumasaklaw sa regulasyon ng VAPING at HEATED PRODUCTS para sa DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) na ikukunsulta naman sa FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) para sa pagbuo ng TECHNICAL STANDARDS FOR SAFETY AND QUALITY!
***
MANILA POLICE TINANGGAL SA SERBISYO NG QC PLEB!
Pagkatanggal sa serbisyo ang ipinataw na parusa ng QUEZON CITY- PEOPLE’S LAW ENFORCEMWNT BOARD (QC-PLEB) laban sa isang MANILA POLICE OFFICIAL dahil sa pagpatay nito sa isang QUEZON CITY TRAFFIC ENFORCER noong October 18, 2022.
Sa 6-pahinang desisyon ay TINANGGAL na sa serbisyo si POLICE LT. FELIXBERTO TIQUIL makaraang mapatunayan ang pagkakasala nito sa kasong grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer na inihain nina CHARILYN PAGSIBIGAN at PAUL TIMOTHY DELOS REYES na nasiraan ng motorsiklo at tinulungan ng TRAFFIC ENFORCER na si EDGAR ABAD FOLLERO mula sa PANDACAN, MANILA hanggang mapahinto sa ROOSEVELT, QC para pulutin ang ilang parte ng motor na nagkalaglagan.
Sa gayong eksena ay umentra ang pulis na si TIQUIL at bigla na lamang binaril ang traffic enforcer. Depensa ni TIQUIL ay inakala niyang carnapper sina FOLLERO at DELOS REYES na hindi naman ito pinaniwalaan ng PLEB.
“We do not buy the alibi of Tiquil that he shot Follero because of self defense. He claims to be a seasoned police officer, and yet at the slightest instance, his first instinct is to inflict a mortal wound against an innocent person,” pagpupunto ni Atty. Rafael Calinisan, Executive Officer of the PLEB.
“The resolution of this case is a triumph for justice. In less than 60 days from the filing of the complaint, the PLEB was able to resolve this matter with utmost impartiality and dispatch. The wheels of justice run fast here in Quezon City, without fear or favor. I again commend the PLEB QC for their prompt action in helping out the ‘little one’ in need,” pahayag naman ni QC MAYOR JOY BELMONTE.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post PANINIGARILYO NAKAMAMATAY PERO MARAMI PA RING SMOKERS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: