SALUBUNGIN ang pagpasok ng taong 2023 at makisaya sa Let’s NET Together 2023 Countdown Special ng Net25 na idaraos sa Philippine Arena sa Bulacan.
Kasama sa selebrasyon ng istasyon ang mga kilalang personalidad at mga favorite bands n’yo para salubungin ang Bagon Taon.
Inaasahan ang pagdalo nina Tito, Vic & Joey, Aga Muhlach, ang Quizon Brothers na sina Eric, Epy at Vandolph, Ara Mina, Empoy Marquez, Love Anover, Gloc 9, Alexa Miro, Abe Banzuelo, Pricetagg at Jay-R.
Kasama pang makikisaya sina Daiana Menezes, G22, Mayonnaise, Emma Tiglao, Billie Hakenson, Isabelle delos Santos, Rikki Mathay, Bearwin Meily, Tonipet Gaba, CJ HIrro, Jumanji Band at iba pa.
Inaabangan din ang word-class fireworks display na tiyak na mas magpapaliwanag sa kalangitan.
Iniimbitahan din ang lahat na lumahok sa Selfie with the Agila Promo.
Need lang na mag-register online sa NET25.com at ilagay ang mga hinihinging detalye gaya ng pangalan at tirahan (numero ng tirahan, pangalan ng kalye, barangay, lungsod, bayan at probinsya).
Para sa mga manunuod sa TV, maging handa sa pagkuha ng selfie habang nanunuod ng “NET Together 2023 New Year Coundown Special” at makaraang makuha ang larawan ay i-upload ang selfie sa NET25.com mula ngayong Dec. 31, 2022, 10 pm hanggang Jan. 1, 2023, 1 am.
Maaring manalo ng tatlong brand new cars at cash prizes na aabot ng P100,000 ang raffle winners.
Para sa iba pag impormasyon, i-check ang event posters o bisitahin ang www.net25.com.
Ang Philippine Arena grounds ay bukas na simula kaninang alas-9 ng umaga dahil may handog ding rides, bazaar at food market at booth stalls na mag-aalok ng mga paninda.
Magsisimula ang New Year Countdown ng alas-10 ng gabi.
Halika na at manuod ng Let’s NET Together 2023: NET 25 New Year Countdown Special sa mga ito: Channel 49 (digital free TV), 25 (Analog free TV), 18 (SkyCable), 17 (Cablelink), 14 (Cignal), 18 (Destiny), 25 (Sattelite) at 42 (G-Sat).
The post Salubungin at makisaya sa Let’s NET Together 2023: NET 25 New Year Countdown Special appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: