
Nobyembre pa lang ng taong kasalukuyan ay inanunsiyo na ng Simbahang Katoliko na kanselado at di na naman tuloy ang pag-diriwang ng Traslacion 2023 na dapat ganapin sa Enero9, 2023.
Dalawang taong sunod itong hindi naganap sanhi nga ng kasag-sagan ng pandemya na lubhang ikinabahala ng gobyerno na baka maging sanhi ng pagkalat ng virus o’super spreader sa dami ng ina-asahang taong dadalo.
Sa situwasyon naman siguro ngayon na halos kinokonsidera ng endemic ang pandemic at maluwag na rin ang mga alert level status, dapat na sigurong bigyan ng laya ang mamamayan lalo na ang milyon-milyong debotong Itim na Nazareno na makadalo sa sina-sabing piging upang magbigay-pugay at pasasalamat man lang.
Ito na nga naman siguro ang pagkakataon na sila ay magbigay-puri sa Itim na Nazareno na siya nilang kinapitan noong ang buong bansa ay walang nakikitang liwanag.
Marami rin ang nagtatanong kung nasaan na ang pananam-palataya na siyang palaging tinatanim sa ating mga kukote ng mga nire-respeto nating mga pari at relihiyoso.
Nasaan na nga naman ang tiwala natin sa Poong MayKapal na siya nating kinapitan ng husto noong huling dalawang taon ng pandemya na kung saan libong mga tao ang binawian ng buhay sanhi ng virus dulot ng corona19.
Ito na siguro ang pagkakataon upang ipabatid at iparamdam natin sa Maykapal na tayo’y lubos na nagpapasalamat dahil nalag-pasan natin ang pinamasaklap na tagpo sa ating buhay.
Nobyembre pa lang ay kinansela na ang Traslacion 2023 dahil ito daw ay pwedeng maging sanhi muli ng pagkalat ng virus.
Hindi kaila sa inyo, ang inyong lingkod ay isang Katoliko -Sarado at Kandado pa kung kaya’t ang pananampalataya sa Poong Maykapal ay hindi natin sinasantabi at tuloy-tuloy pa rin.
Kung noon panahon ng pandemya ay hindi nawala ang ating pananalig eh ngayon pa kayang panahon na ng endemic na kung saan halos nalagpasan na nating lahat.
Ito na siguro ang panahon upang pakita natin sa kanya na buo ang ating loob at paniniwala sa kanyang kakayanan.
Mas lalong hindi niya siguro tayo pababayaan sa mga situwasyong darating sa ating buhay lalo na’t nakikita’t nararamdaman niya ang inuukol nating pagmamahal sa kanya.
Bigyan sana natin ng tsansa ang milyon-milyong deboto ng Itim na Nazareno na mula pa sa kung saan-saan bahagi ng bansa at maging sa ibang bayan na ipa-hayag ang kanilang pananalig.
Huwag naman sana nating isipan na mangyari ang lahat ng pinangangambahang bagay at pangyayari dahil siguradong hindi ito pahihintulutan ng Maykapal.
Sana’y maging matapang tayong lahat sa anumang kaganapang darating dahil hindi niya ito bibigay sa atin kung hindi na tin ito makakayanan.
The post Traslacion 2023 kanselado na naman, asan na ang sinasabing pananampalataya? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: