Kaya naintriga ang pagsasama sa Singapore…Kylie at Andrea kapwa malamig ang Pasko dahil walang syota

Ni JOVI LLOZA
NEXT year, 2023, ipinahayag ng Kapuso actress na si Heart Evangelista nanmagiging busy na ito sa pagpunta sa Paris.
Matatandaan na inanunsiyo ni Heart nung Oktubre na nakahanap na siya ng matitirhan sa Paris isang apartment.
Kailangan nga raw ni Heart na may matutuluyan sa Paris lalo na’t nandoon ang kanyang work.
Bukod sa magiging madalas na ang pagpunta ni Heart sa Paris ay need na nga raw nitong bumili ng furniture.
Gusto na nitong maayusan ang kanyang apartment sa Paris.
Nilinaw din ni Heart na kailangan mag-work at huwag umasa para may pambayad sa mga bayarin.
Hindi naman daw ang tipo ni Heart na palaasa kaya kailangan nito talagang magtrabaho.
Paglilinaw pa ni Heart na di naman siya matatagalan sa Paris to stay for good punta lang siya doon to work lalo na nga raw next year na dagsa ang fashion show nito.
***
SA post sa kani-kanilang socmed account nina Kylie Padilla at Andrea Torres, ibinahagi nila ang kanilang larawan na pinag-usapan na magkasama sa Singapore.
Napa-hmmmp na lang ang ibang netizens at may nakyutan naman sa larawan nina Kylie at Andrea.
Makikita na pasan ni Kylie si Andrea na ang pics ay kuha sa Universal Studio.
Kung anuman daw iniisip ng mga Maritess ay maling akala raw ‘yun.
Nagtungo ang dalawang Kapuso actress na parehong malamig ang Pasko dahil walang dyowaers.
Pumunta ang dalawang actress sa Singapore para tanggapin ang kanilang parangal mula sa Asian Academy Creative Awards.
Itinanghal ang kanilang ‘BetCin’ as Best Comedy Program online.
Kaya may K na ang dalawang Kapuso stars na umi-international na ang peg.
Well, well, well…’Yun na!
The post Kaya naintriga ang pagsasama sa Singapore…Kylie at Andrea kapwa malamig ang Pasko dahil walang syota appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: