Facebook

Bigtime rollback sa presyo ng petrolyo ngayon!

MAGKAKAROON ng ng malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Disyembre 13

Piso at sitenta sentimos (P1.70) ang ipatutupad na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina habang tatlong piso at kwarenta sentimos (P3.40) naman sa diesel.

Magpapatupad din ang mga kumpanya ng langis ng apat na piso at kwarenta sentimos (P4.40) na rollback sa kerosene.

Epektibo ang bawas-presyo ng Shell, Seaoil, at Petro Gazz alas-6:00 ng umaga habang alas-8:01 naman ang Cleanfuel.

Ito na ang ikaapat na sunod-sunod na linggong may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa mababang demand bunsod ng COVID-19 lockdown sa China.

The post Bigtime rollback sa presyo ng petrolyo ngayon! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bigtime rollback sa presyo ng petrolyo ngayon! Bigtime rollback sa presyo ng petrolyo ngayon! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.