
IPINAGMALAKI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pumalo na sa mahigit 26,000 na mga barangay sa buong Pilipinas ang naideklara nang “cleared” kontra sa ilegal na droga.
Sa gitna pa rin ito ng mas pinaigting pa na kampanya ng pamahalaan laban sa nasabing ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., sa ngayon ay umabot na sa 26,544 ang kabuuang bilang ng mga idineklarang “drug-cleared” barangay mula sa 42,046 na mga barangay sa buong Pilipinas.
Bukod dito ay nakapagtala rin ang ahensya ng nasa 6,525 drug unaffected o drug free na mga barangay, habang nananatiling nasa 8,977 naman na mga lugar ang hindi pa “cleared” hinggil sa nasabing isyu.
The post Higit 26K barangay sa bansa drug cleared na – DILG appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: