Facebook

Preparasyon para sa simbang gabi ng MPD, kasado na!

HANDANG HANDA na ang buong puwersa ng Manila Police District (MPD) para sa pagsisimula ng Simbahang Gabi sa Disyembre 16, Biyernes.

Sinabi ni MPD Director, Brig. General Andre Dizon, na kanilang tututukan ang mga misa sa gabi at madaling araw, at babalik sa pagtutok sa mga matataong lugar sa umaga partikular ang malls, palengke at ang dinadagsamg Divisoria.

Ang mga itatalagang tauhan sa bawat nasasakupan ng mga police station ng MPD ay nakabatay sa station commanders na siyang magdedetermina ng bilang ng ipapakalat na MPD personnel.

Tiniyak din ni Dizon na may nakareserba silang pwersa ngayong holiday season alinsunod na rin sa kautusan ni PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr. (Jocelyn Domenden)

The post Preparasyon para sa simbang gabi ng MPD, kasado na! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Preparasyon para sa simbang gabi ng MPD, kasado na! Preparasyon para sa simbang gabi ng MPD, kasado na! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 12, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.