
KABILANG si Bureau of Immigration (BI)- Fugitive Search Unit (FSU) chief Rendel Ryan Delfino Sy sa 237 law enforcement officers na nagtapos sa FBI National Academy, Quantico, Virginia, USA noong December 8, 2022.
Ang 284th session ng National Academy binubuo ng mga kalalakihan at kababaehan mula sa 48 states at District of Columbia at kabilang sa nasabing klase ay mga miyembro ng law enforcement agencies mula sa 25 bansa, limang military organization, at limang federal civilian organizations.
Kilala sa buong mundo dahil sa kanilang academic excellence, ang National Academy ay nag-aalok ng 11 linggong advanced communication, leadership at fitness training na mga kurso. Ang mga lalahok ay dapat na may proven records bilang professionals sa kanilang ahensyang dadaluhan. Sa average na bilang, ang mga opisyal na ito ay may 21 taong karanasan sa law enforcement at madalas na bumabalik sa kanilang ahensya upang manungkulan sa isang executive-level positions.
Si FBI Director Christopher Asher Wray ang nagbigay ng pananalita sa nasabing seremonya habang si Class spokesperson William Lexton-Jones mula sa Metropolitan Police sa United Kingdom ang kumatawan sa graduating officers.
Ang mga FBI Academy instructors, special agents at iba pang kawani na may advanced degrees ang nagbigay ng pagsasanay at marami sa mga instructors ay kilala sa buong mundo sa kanilang larangan. Simula pa noong 1972, ang mga mag-aaral ng National Academy ay nagkakaroon ng undergraduate at graduate credits mula sa University of Virginia, na nag-a-accredit naman sa lahat ng kursong ino-offer ng National Academy.
Umaabot na sa 53,907 ang mga nagtapos sa FBI National Academy nang magsimula ito noong 1935. Ang National Academy ay ginagawa sa FBI Training Academy sa Quantico, sa parehong pasilidad din kung saan sinasanay ng FBI ang kanilang new special agents at intelligence analysts. (JERRY S. TAN)
The post BI FSU Chief Rendel Ryan Delfino Sy, nagtapos sa FBI National Academy appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: