Facebook

Voter registration simula uli ngayong araw

AARANGKADA muli ngayong Lunes, Disyembre 12, 2022 ang voter registration sa bansa para sa nalalapit na Disyembre 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE 2023).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson John Rex Laudiangco, magtatagal ang pagrerehistro ng mga botante hanggang sa Enero 31, 2023 lamang.

Ang registration ay isasagawa mula Lunes hanggang Sabado, ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa.

Wala namang rehistruhan sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko, at 31, bisperas ng Bagong Taon.

Nabatid na lahat ng uri ng aplikasyon ay tatanggapin nila sa pagpapatuloy ng voter registration, kabilang dito ang bagong botante, pag-transfer ng rehistro, reactivation ng rehistro, at reinstatement ng rehistro. (Andi Garcia)

The post Voter registration simula uli ngayong araw appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Voter registration simula uli ngayong araw Voter registration simula uli ngayong araw Reviewed by misfitgympal on Disyembre 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.