
SUGATAN ang dalawang pulis matapos maka-engkwentro ang New People’s Army (NPA) sa Barangay Aningalan, San Remigio, Antique Linggo ng tanghali.
Kinilala ang mga sugatang pulis na sina Corporal Joemer Yamuyam at Patrolman Dan Mer dela Cruz.
Ayon kay Brigadier General Leo Francisco, Police Regional Director, naganap ang insidente dakong 12:30 ng tanghali habang rumeresponde at bineberipika ng 1st Antique Mobile Force Company ang umano’y presensya ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Sinabi ni Francisco na naganap ang engkwentro matapos na marating nina Yamuyam at dela Cruz ang nasabing lugar.
Naniniwala naman si Francisco na mayroon ding sugatan sa panig ng mga rebelde dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa naturang lugar.
The post 2 PULIS SUGATAN SA BAKBAKAN VS NPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: