
USAP-USAPAN ang rebelasyon ni Thrilla in Manila referee Carlos “Sonny” Padilla, na noong laban raw ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Australian-Lebanese Nadal Hussein, dalawampu’t dalawang taon na ang nakalilipas, ay tinulungan niya itong manalo.
Siyempre, lahat ay nagugulat lalo na ang mga fans ng boxing. Pero ulitin ko, ito ay naganap 22 years ago. At si Padilla sa ngayon ay clagpas otsenta anyos na (80 yrs. old).
Sinabi pa naman, ito ni Padilla sa official YouTube channel ng World Boxing Council, kung saan ang sabi ng ating Pambansang Referee “kabayan” niyang maituturing ang Pambansang Kamao noon kaya gumawa siya ng mga paraan para di ito matalo.
Nang tamaan ng malakas na kaliwa si Paquiao at napaluhod ito, alam na raw ni Padilla na nahaharap ito sa pagkatalo. ‘Nagkanda-duling” nga raw si Paquiao nang mga sandaling iyon, kaya para matauhan, dinahan-dahan ni Padilla ang “mandatory 10-count” sa kababayang boksingero.
Tunay naman, ito ay sinundan ng pagkakapanalo sa laban na iyon ni Paquiao.
Pero ano ang punto ni Padilla at bakit binubuhay niya ang kwentong ito?
Sa edad na otsenta, marami na ang makakapagsabi, ang taong may edad na ganito ay halos di na maintindihan. Ngunit sa asta ni Padilla, nasa tamang pag-iisip pa naman ito, at tila nagpaparamdam lamang na siya ay naririto pa sa mundo (nasa America nga lang) at pinatutunayang mayroon siyang kabuluhan sa kasaysayan, lalo na ng boxing.
Anuman ang anihin o’ ikabubunga ng mga rebelasyong ito ni Padilla, ay kayo na ang hahayaan Kong humusga.
Basta sa akin, pareho silang dalawa ni Pambansang Kamao na gumawa ng ikakikilala ng ating bansa sa buong mundo.
Para sa akin, si Paquiao ay atin pa ring Pangbansang Kamao at si Padilla naman ay ating Pangbansang Referee. Kailangan lang natin intindihin si Padilla.
The post INTINDIHIN NATIN SI PADILLA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: