Facebook

4,661 UNIFORM PERSONNEL NG NCRPO, NAPABILANG SA ‘MASS PROMOTION’

HINDI matatawaran ang kagalakan ng 4,661 strong and best qualified uniform personnel makaraang tumanggap ng kanilang promotion mula sa ginanap na simultaneous oath-taking, donning and pinning of ranks of newly promoted 2nd Level Uniformed Personnel sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang nasabing simultaneous ‘mass oath-taking’ ceremony ay pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGEN Jonnel C. Estomo kung saan umabot sa 512 Police Commissioned Officers (PCO’s) at 4,149 Police Non-Commissioned Officers (PNCO’s) ang matagumpay na nakapasa sa meticulous/ rigid screening/and deliberation of uniformed personnel para sa 2nd Level Regular Promotion Program ng taong 2023.

Ito ay binubuo ng may ranggong Lieutenant (LT) hanggang Major (MAJ) na nagmula sa ibat-ibang distrito ng Metro Manila.

Ayon kay Estomo, ang promotion na pinagkaloob sa 4,661 PCOs at PNCOs ay isang ‘maturity’ na para sa kanya ay dapat tandaan, pahalagahan at isapuso bilang isang alagad ng batas upang labanan ang iligal na droga sa bansa.

Naniniwala si Estomo na ang mga newly-promoted Police officers ay magiging kaakibat ng NCRPO na sugpuin ang kriminalidad para sa isang mapayapang komunidad.

Kasabay nito, tumanggap din ng promosyon ang mga pulis na kabilang sa PNCOs simula Corporal hanggang Sarhento na ginanap naman sa Southern Police District (SPD) grandstand sa Fort Bonifacio, Taguig City kung saan ay pinangunahan ni SPD District Director Kirby John Brion Kraft ang nasabing seremonya.

Samantala, nagpatawag agad ng emergency meeting si Estomo sa NCRPO conference room para sa mga Station Commanders na nagmula pa sa Quezon City at Maynila kung saan ay nasorpresa ang mga ito nang sumailalim sa mandatory drug testing

Karamihan sa mga dumalong opisyal ay may ranggong Lt. Colonel, labing-apat ay galing sa Manila Police District (MPD) at 16 naman ay nagmula sa Quezon City Police District(QCPD) .

Ang naturang drug test ay bahagi ng karagdagang ‘internal cleansing’ ng PNP bukod sa naunang ‘courtesy resignation’ na panawagan ni Secretary of Interior and Local Government (SILG) Atty. Benjamin Abalos na salain at linisin ang hanay ng pambansang kapulisan. (JOJO SADIWA)

The post 4,661 UNIFORM PERSONNEL NG NCRPO, NAPABILANG SA ‘MASS PROMOTION’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4,661 UNIFORM PERSONNEL NG NCRPO, NAPABILANG SA ‘MASS PROMOTION’ 4,661 UNIFORM PERSONNEL NG NCRPO, NAPABILANG SA ‘MASS PROMOTION’ Reviewed by misfitgympal on Enero 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.