Facebook

Halos 600 opisyal ng PNP nagsumite na ng ‘courtesy resignation’

SABI ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP), nasa 600 opisyal ng pulisya na ang nagsumite ng courtesy resignation bilang tugon sa panawagan ni Interior Secretary Benjur Abalos kaugnay narin ng kampanya ng administrasyong Marcos laban sa mga iligal na droga.

Actually ang pinagsusumite lang ni Sec. Abalos ng courtesy resignation ay ang mga General at full-pledged Colonel, pero kumasa narin sa hamon ang ibang opisyal na Lt. Colonels na gusto ring malinis ang kanilang pangalan sa illegal drug trade.

Sa kasalukuyan, sa 227,000 miyembro ng PNP, 293 rito ang Coronel, 208 Brigadier General, 19 Major General, 8 Lt. General, at isang Heneral (Chief PNP, si Rodoldo Azurin).

Ang courtesy resignation ay hihimayin ng 5-man committee na pamumunuan ni Pangulong “Bongbong Marcos, Jr., kasama ang retired Police General ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Ang tatlo pang miyembro ng komite ay tumangging pabanggit ng pangalan. Hindi kasama sa komite si Sec. Abalos.

Ang matatanggap na courtesy resignation ay mangangahulugang hindi na makabalik sa puwesto, malalagay sa floating status o maaring mag-early retirement pero makakukuha naman daw ng buong benepisyo sa serbisyo, sabi ni Gen. Azurin na naunang nagsumite ng resignation.

Ang posible pang mangyari rito, ang hindi makabalik sa puwesto ay maimbestigahan, isailalim sa lifestyle check, at kapag napatunayang sangkot sa sindikato ng droga ay malamang mabulok sa kulungan.

Sang-ayon tayo sa diskarteng ito ng administrasyon sa paglinis sa hanay ng PNP sa illegal drugs, kesa naman sa tirada ng nakaraang administrasyon na pinangalanan ang mga sangkot kuno sa droga pero hindi naman kinasuhan dahil walang ebidensiya, tuloy yung pulis na sinabihang drug lord o drug protector ay hindi na na-promote at pati ang pamilya ay nawalan ng mukha sa pagharap sa madla. Mismo!

Sige…abangan natin kung sino-sinong heneral at kernel ang mananatili sa puwesto at ang mababasura.

Subaybayan!

***

“Guilty” ang verdict ng Sandiganbayan laban kay Leyte 3rd District Congressman Eduardo Veloso at dating Technology Resource Center (TRC) official Ma. Rosalina Lacsamana sa P24.2-million Priority Development Assistance Fund (PDAF) anomaly.

Sa 52-page decision ng 1st Division ng graft court, hinatulan sina Veloso at Lacsamana ng 6 to 10 years imprisonment para sa graft, at bawal na sila magtrabaho sa gobyerno.

Guilty rin sina Veloso at Lacsamana sa 2 counts ng malversation na may parusang 12 to 18 years kulong sa bawat bilang. Pinagbabayad din sila ng multang P24.2 million.

Pinupuri natin ang Sandiganbayan sa hatol nito sa mga “korap” na opisyal na ito.

Pero sana ang sunod na madesisyunan ng graft court ay ang fertilizer fund scam laban sa dating gobernador ngayo’y congressman ng Romblon na si Eleandro Jesus “Budoy” Madrona na 2004 pang isinampa sa Ombudsman at natapos nang litisin sa Sandiganbayan 6th Division noong Abril 2022.

Matagal nang inaabangan ng mga Romblomanon ang kasong ito, Justice Fernandez!

The post Halos 600 opisyal ng PNP nagsumite na ng ‘courtesy resignation’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Halos 600 opisyal ng PNP nagsumite na ng ‘courtesy resignation’ Halos 600 opisyal ng PNP nagsumite na ng ‘courtesy resignation’ Reviewed by misfitgympal on Enero 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.