Facebook

60 illegal loggers naaresto sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet – Umabot sa 60 illegal loggers ang naaresto habang higit sa P5.7 milyong halaga ng iligal na pinutol na kahoy ang nakumpiska sa pinaigting na anti-illegal logging operations ng Police Regional Office-Cordillera noong 2022.

Batay sa talaan ng Regional Operations Division (ROD), sa loob ng 167 anti-illegal logging operations ng Cordillera-PNP, nahuli nila ang 60 indibidwal na sangkot sa illegal logging activities.

Nakumpiska sa mga ito ang 62,197.05 board feet ng mga kahoy na iligal na pinutol na nagkakahalaga ng P5,738,719.54.

Ayon kay Brig. General Mafelino Bazar, director ng Cordillera Police Regional Office, ang Benguet Police Provincial Office ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto, 17; sinundan ng Baguio City Police, 13; Apayao PPO, 10; Mountain Province Police, 8; Ifugao Police, 6; Abra at Kalinga PPO, tig-3.

Aniya, ang mga pulis ng PROCOR ay nanatiling aktibo sa kanilang pagsisikap sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad sa pagtatanim ng puno, paglilinis, at pagpapatrolya sa kagubatan.

The post 60 illegal loggers naaresto sa Cordillera appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
60 illegal loggers naaresto sa Cordillera 60 illegal loggers naaresto sa Cordillera Reviewed by misfitgympal on Enero 09, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.