ALINSUNOD sa apela ni Secretary of Interior and Local Government (SILG) na si Atty Benjamin “Benhur” Abalos Jr, ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng liderato ni PMGEN Jonnel C Estomo ay nanguna sa paglagda ng ‘courtesy resignation’ noong Biyernes kung saan ay nagsagawa ng isang surprise drug examination na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.
Nabatid sa ulat na kasama sa mga third level commissioned officer ang lahat ng ranggong Colonel at lahat ng star rank sa Philippine National Police.
Ang screening test ay nagbunga ng mga negatibong resulta para sa lahat ng 72 urine samples na kinuha sa araw mismo ng surprise drug test. Ito ang kinumpirma ng ulat na isinumite ng PNP Crime Laboratory Field Office na nakabase sa Camp Bagong Diwa kahapon sa Regional Director.
“Sa simula pa lang, kasama ko na ang pamunuan ng PNP sa paglilinis ng ating hanay laban sa mga drug protectors at scalawags. Gaya ng sinabi ko noon na kapag may mapatunayang nagpositibo sa ilegal na droga, automatic na siyang nagre-resign agad sa serbisyo. Buti na lang. , wala ni isa sa mga kasama kong opisyal ang nagbunga ng positibong resulta ng pagsusulit.” ani Estomo
“This is a positive starting indicator to this noble purpose of our SILG and our Chief PNP in purging the organization.”dagdag pa ng Heneral
Kasunod nito ay nagbabala si Estomo sa iba pang pulis na magpapatuloy ang surprise random testing sa ilalim ng kanyang tungkulin upang maalis ang mga pulis na ‘scalawag’ na gumagamit ng droga sa Metro Manila.
“ It is important to emphasize that those who tendered courtesy resignation are not drug users. This would reinforce the 5-man assessment committee on their evaluation to be carried out. On the other hand,this may serve as a stern warning to all policemen in the region. No one can run or hide with the continuing conduct of random drug testing.”wika ni Estomo. (JOJO SADIWA)
The post 3RD LEVEL NG TEAM NCRPO, ‘NEGATIBO’ SA SURPRISE DRUG TEST appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: