Facebook

Bong Go namigay ng ayuda sa Montevista, Davao de Oro… ‘WALANG TIGIL ANG MALASAKIT, SERBISYO’

Matapos magsagawa ng monitoring visit sa Malasakit Center sa Davao de Oro Provincial Hospital sa Montevista, personal na pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang isang relief operation para sa mga mahihirap na residente ng bayan.

Ito a bahagi ng pagsisikap ng senador na tulungan ang maraming nahihirapang Pilipino sa buong bansa.

Idinaos ni Go at ng kanyang koponan ang pamamahagi ng ayuda sa Montevista Sports Complex kung saan tinulungan nila ang 500 benepisyaryo.

Binigyan sila ng mga grocery pack, bitamina, mask, pagkain, at kamiseta habang nakatanggap ang ilan ng mga cellular phone, sapatos, relo, sombrero, at bola para sa basketball at volleyball.

“Bilang chairman po ng (Senate Committee on) Sports, ang adbokasiya ko ay sports o pampalakasan. Ilayo natin ang ating mga kabataan sa iligal na droga sa pamamagitan ng sports. Pumasok sa sports, lumayo sa droga. Nakasisira itong droga, kapag may droga sa pamilyamasisira ito. Pakiusap ko sa inyo get into sports, stay away from drugs. Kaya namimigay ako ng bola sa inyo, sa mga bata dito,” idiniin ni Go.

Isang pangkat naman mula sa Department of Social Welfare and Development ang nagpaabot ng hiwalay na tulong pinansyal.

Nag-alok din ng karagdagang tulong ang senador sa mga nangangailangan ng medikal na atensyon. Pinayuhan niya ang mga ito na bisitahin ang Malasakit Center sa Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan kung saan maginhawang magagamit ang mga programa sa tulong medikal.

Ang Malasakit Center na ideya ni Go ay sinimulan noong 2018 at kalaunan ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 114631 noong 2019. Sa kasalukuyan, mayroong 153 operational centers na nakatulong na sa milyun-milyong Pilipino sa buong bansa.

Mayroon ding iba pang Malasakit Centers sa iba pang sangay ng Davao de Oro Provincial Hospital sa Laak, Maragusan, at Pantukan at sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City.

“Lapitan n’yo ‘yan, para ‘yan sa poor and indigent patients. Kung may kailangan kayo sa ospital, lapitan n’yo ang Malasakit Center. Kung hindi kaya dito sa Montevista, pumunta kayo ng Tagum (City), mayroon ding Malasakit Center. Kung hindi naman kaya sa Tagum (City) pumunta kayo sa Davao (City), mayroon ring Malasakit Center doon,” ani Go.

Alinsunod sa kanyang dedikasyon na palakasin ang sektor ng kalusugan, isinulong din ni Go ang pagtatayo ng walong Super Health Centers sa lalawigan, kabilang ang isa sa Montevista.
Bilang vice chair ng Senate committee on finance, sinuportahan din ni Go ang pagtatayo ng mga flood mitigation structures at concrete revetment sa Batutu River patungo sa Manat River.

“Kami ay nandito para makatulong sa inyo, makapagbigay ng solusyon sa inyong problema, at makapag-iwan ng tuwa sa panahon ng inyong kalituhan o pagdadalamhati. Masaya na rin kami na naging masaya kayo ngayong araw. Basta ako ay inyong kaibigan sa lahat ng panahon,” anang senador.

The post Bong Go namigay ng ayuda sa Montevista, Davao de Oro… ‘WALANG TIGIL ANG MALASAKIT, SERBISYO’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go namigay ng ayuda sa Montevista, Davao de Oro… ‘WALANG TIGIL ANG MALASAKIT, SERBISYO’ Bong Go namigay ng ayuda sa Montevista, Davao de Oro… ‘WALANG TIGIL ANG MALASAKIT, SERBISYO’ Reviewed by misfitgympal on Enero 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.