Facebook

Angeli nagreak sa title na Vivamax Queen

Ni ARCHIE LIAO

SI Angeli Khang ang tinaguriang Vivamax Queen dahil ang consistent na ang mga pelikula niyang ipinalalabas sa nasabing online streaming platform ay laging nangunguna tulad ng “Mahjong Nights”, “Silip sa Apoy” at “Selina’s Gold.”
Katunayan, noong nakaraang taon, ang Viva bosses na mismo ang nagsabing siya ang undisputed na Reyna ng Vivamax.
Pero para kay Angeli bagama’t nakakataba man ng puso na tumatabo sa digital entertainment hub ang kanyang mga pelikula, hindi raw talaga siya conscious sa title.
“Naku, ayoko pong isipin o i-claim. Basta ang lagi ko lang iniisip, I just have to do my best in every project that they give me,” aniya. “Sobra rin po akong nagpapasalamat sa Viva kasi tuluy-tuloy lang ang movies ko, which is a blessing kasi gusto ko pa mag-grow in every project that I do. Hindi naman ako mahilig sa titles na queen ng kahit ano,” dugtong niya.
Masaya rin si Angeli na pagkatapos na mapansin ang galing sa pag-arte sa mga pelikulang “Silip sa Apoy” at “Selina’s Gold” at sa seryeng “Wag Mong Agawin ang Akin” ay reunited siya sa kanyang mentor at 2022 Wallachia International Film Festival Best Director na si MacArthur Alejandre sa erotic drama na “Bela Luna.”
“Alam ko po na sa kanya ako maggro-grow at sobra po ang tiwala ko sa kanya. Kaya nga sabi ko kay Direk noon, kahit ano ang ipagawa niya sa akin, gagawin ko dahil ganoon kalaki ang respeto at tiwala ko sa kanya,” ani Angeli.
Sa “Bela Luna”, first time na gaganap ni Angeli sa dual roles.
Sa naturang obra na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee, bibigyang buhay niya ang papel ng dalawang magkaibang babaeng malaki ang koneksyon sa isa’t isa: si Luna, isang guro na biktima ng pagmamalupit ng kanyang asawa at Bela, isang liberated city girl na may live-in partner.
Ayon kay Angeli, na-excite raw siya sa ideya na mag-portray ng dalawang magkaibang screen persona.
Malaking challenge raw sa kanya na maipakita ang kanyang versatility bilang artista na mag-portray ng ganoong klaseng complex roles na nasusubok ang kanyang range as an actress.
“Most of my past movies kasi, laging sad, laging inaapi ako, but here, as Bela, I’m portraying a strong character na hindi inaapi. She’s woman empowered so it’s something new for me, ” hirit niya.
Mapapanood na simula sa Enero 27 sa Vivamax Plus, kasama rin sa cast ng pelikula sina Kiko Estrada, Mark Anthony Fernandez at Julio Diaz.

The post Angeli nagreak sa title na Vivamax Queen appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Angeli nagreak sa title na Vivamax Queen Angeli nagreak sa title na Vivamax Queen Reviewed by misfitgympal on Enero 16, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.