Pormal ng nanumpa sa Senado si Barangay Ginebra player Justine Brownlee bilang ganap na isa ng Pilipino matapos na maging batas ang panukalang batas na naglalayon na maging ganap na Pinoy si Brownlee.
Nanumpa si Brownlee kay Senador Francis Tolentino Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights na siyang tumalakay sa Senado sa pagiging Pilipino Citizenship ni Brownlee.
Si Tolentino rin ang principal author ng Republic Act 11937 na nag-aatas para sa Pilipino Citizenship ni Brownlee.
Dumalo rin sa panunumpa sina Senador Christopher Bong Go at Senador Joseph Victor Ejercito na siyang nag-abot kay Justine ng certification na may lagda nila House Speaker Martin Romualez, Senate President Juan Miguel Zubiri at Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr.
Nagpasalamat naman si Brownlee sa dalawang kapulungan ng kongreso ang senado at ang Kamara de Representante sa pagpasa sa naturang batas upang siya ay mabigyan ng citizenship.
Natutuwa siya dahil tiyak na ang kanyang paglaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023. (CESAR MORALES)
The post JUSTINE BROWNLEE PORMAL NG NANUMPA BILANG ISANG GANAP NA PINOY appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: