Facebook

TAPOS NA PASKO’T BAGONG TAON, KOLEKTOR NG CIDG-MANILA TULOY PA RIN ANG SOLICITATON

Sa lahat ng mga kolektor at bagman, natatangi’t naiiba itong pagador ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Manila na si Jon-Jon Galugad dahil sa kanyang sobrang sinop at sipag na pinapamalas.

Mantakin niyong tapos na ang Pasko’t Bagong Taon eh tuloy-tuloy pa rin daw ang pagso-solicit ng Mamang ito sa kanyang mga asset at mga negosyante.

Wala sanang problema kung ito ay panahon pa rin ng kapaskuhan dahil sa ma-tic at nai-intindihan naman natin na sadyang kailangan mang-hingi ng mga pamimigay na mga pa-premyo sa raffle sa kani-kanilang Christmas party.

Ganon pa man, ito ay hindi obligasyon at hindi rin sapilitan. Dapat ibigay ito ng kusang-palo at mula sa puso ng kanilang hihingan o’ donor, walang brasuhan ika nga.

Nguni’t ibang klase daw itong si Galugad dahil tapos na ang kapistahan ng Quiapo at Tondo ay tuloy pa rin ang kanyang solicitation. Baka naman daw ito ay para sa Valentine’s day o dili kaya ay para sa Easter Sunday he… he… he…

Hindi lang anila masinop at masipag itong si Galugad. Iba rin daw ang naturalesa nito dahil maaaring lehitimong makapal ang mukha nito.

Malaki ang posibilidad na totoo nga ang mga akusasyong ito laban kay Jon-Jon. Biruin niyong manghi-hingi na lang ay may kondisyon pa, eh ano kamo ang kondisyong ito?

Sa bawat lapitan daw ng Mamang ito, telebisyon ang pinaka-mahina dahil dededmahin lang daw ni Galugad kung mga plantsa’t bentilador lang ang iyong ibibigay.

Kung totoo itong sinasabi ng ating inpormante, saan naman kaya dadalhin ni Galugad ang kanyang mga na-solicit gayong tapos na lahat ang mga pagpipiging at okasyon para dito o baka naman daw magtatayo ng appliance store.

Sa mga unang ulat hinggil sa Mamang ito, hindi nga malayong mabalotan ng ginto ang kanyang katawan dahil sa dami ng raket at gimik sa buhay na wala namang ibang puhunan kundi kapal ng mukha.

Ipinapalagay ng marami na kung kaya’t ganito kalakas ang loob nito ay malamang super-lakas sa kinauukulan o dili kaya’y kinukunsinti ng kina-uukulan.

MANILA POLICE DISTRICT (MPD), DAPAT BIGYAN NG PAGPU-PUGAY AT PAPURI…

Lahat ay nagalak at natuwa sa ipinamalas na gilas ng kapulisan ng Manila Police District (MPD) hinggil sa kanilang pinatupad na disiplina’t patakaran sa libo-libong mga tao at mga debotong dumalo sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila kamakailan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging BEHAVE ang lahat partikular na ang sandamakmak na mga debotong nag-mula pa sa kung saan-saan sulok ng Pinas.

Hanggang sa huling kabanata ng nasabing kapistahan, naging maayos at mapayapa ang kalakaran mula Quirino grandstand hanggang sa maibalik muli si Senor Nazareno sa simbahan ng Quiapo na kanyang tahanan.

Maliban sa mga tumaas ang presyon at sa ilang hinimatay, walang naging gulo o’ untoward incidents na naitala. Sa suma-tutal… generally peaceful but enjoy ang lahat sa mga kaganapan.

Ganon din ang nangyari at pinatupad na patakaran ng kapulisan ng MPD sa kapistahan naman ni Sto. Nino sa Tondo, Manila na kung saan libo-libo rin tao at mga deboto ang dumalo.

Bukod sa ilan mga lasing na naging makulit, wala ring nai-talang kaguluhan at untoward incidents hanggang sa matapos ang okasyon.

Sa puntong ito ay binabati natin si MPD-District Director Brig. Gen. Andre Dizon sampu ng kanyang kapulisan sa kanilang outstanding performance of duty sa lahat ng antas at aspeto.

Sa buong kapulisan ng MPD sa liderato ni Gen. Dizon… CONGRATULATION, KUDOS AT MABUHAY KAYO!!! IT’S A WONDERFUL LIFE…

The post TAPOS NA PASKO’T BAGONG TAON, KOLEKTOR NG CIDG-MANILA TULOY PA RIN ANG SOLICITATON appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TAPOS NA PASKO’T BAGONG TAON, KOLEKTOR NG CIDG-MANILA TULOY PA RIN ANG SOLICITATON TAPOS NA PASKO’T BAGONG TAON, KOLEKTOR NG CIDG-MANILA TULOY PA RIN ANG SOLICITATON Reviewed by misfitgympal on Enero 16, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.