Facebook

TRB ININSPEKSYON PAG-UNLAD NG KONSTRUKSYON NG CALAX

Magkasamang ininspeksyon ng Toll Regulatory Board (TRB) kasama ang mga representante ng MPCALA Holdings Inc., ang 14-kilometer operational segment ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) noong nakaraang Huwebes, Enero 12.

Sinuri ng inspectorate team ng TRB na pinangunahan ni TRB Officer-in Charge Ms. Josephine T. Turbolencia, OIC Chief ng Regulation Division Ms. Julita B. Bingco, Deputy Chief ng Regulation Division Mr. Joz Carlos G. Ordillano, at Spokesperson Mr. Julius G. Corpuz ang mga technological features ng expressway maging ang safety at security features nito, ang toll plaza operations, kabilang ang Automatic License Plate Recognition (ALPR) cameras, at ang RFID system para masigurong napapanatili nito ang mataas at maayos na kalidad.

Bukod pa dito, binisita rin ng TRB ang progreso ng Silang (Aguinaldo) Interchange na nananatiling nakabinbin dahil sa isyu ng right-of-way na kritikal sa pagtapos ng proyekto. Oras na mabuksan ito sa motorista, aabot lamang sa 20 minuto ang biyahe mula sa nabanggit na interchange patungo sa Tagaytay, Cavite, ang second summer capital ng bansa, via Aguinaldo Highway.

Ayon sa MPCALA, puspusan ang pagtutok ng kanilang government partner na Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagresolba sa isyu ng right-of-way.

“While we work closely with our grantor, DPWH to fast-track delivery of right-of-way, especially in the critical area in Silang, we continue to do construction work on areas where right of way has already been granted so as not to further delay the project,” ani MPCALA President Mr. Raul Ignacio.

Sa ngayon, umabot na sa 65% ang construction progress ng Subsection 4 o ang Silang (Aguinaldo) Interchange habang nasa 54% naman sa buong CALAX project. Ang bagong interchange ay kukonekta sa Aguinaldo Highway sa Silang, Cavite, at makatutulong para ma decongest ang mga local roads at highways sa probinsya ng Cavite at Laguna.

Ang CALAX ay hahaba ng 45-kilometers at durugtong sa CAVITEX. Sa kasalukuyan, ang operating segments nito ay nagsisimula sa Mamplasan sa Binan, at may interchanges sa Laguna Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, at Silang East.

Ang MPCALA Holdings Inc. ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Ang MPTC ang pinaka malaking toll road developer at operator sa bansa. Bukod sa CALAX at CAVITEX, hawak rin nito ang concession rights sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

The post TRB ININSPEKSYON PAG-UNLAD NG KONSTRUKSYON NG CALAX appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TRB ININSPEKSYON PAG-UNLAD NG KONSTRUKSYON NG CALAX TRB ININSPEKSYON PAG-UNLAD NG KONSTRUKSYON NG CALAX Reviewed by misfitgympal on Enero 17, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.