Ito ang katanungan ng ating mga kababayan na hanggang sa ngayon ay pilit na inaangat ang antas ng kanilang buhay bunga ng mga hirap na kanilang dinanas noong nakalipas na dalawang taon sa panahon ng pandemya.
Ngayong halos normal na ang situwasyon ng ating bansa, ang tanging kailangan na lang umano nila ay ang gobyernong magiging kaagapay nila sa muli nilang pag-bangon matapos ang dalawang taon sa panahon ng pandemya.
Masaya at galak ang lahat dahil sa nairaos nila ang Kapaskuhan at nasalubong nila ang pagpasok ng bagong taon nang walang kaakibat na problema at balakid.
Higit na mahalaga sa lahat ay nalagpasan na nila maski papaano ang panahon ng krisis na kung saan araming kababayan natin ang namatay, nagdusa at halos mabaliw dahil sa sinapit nilang sakripisyo sanhi ng virus na dulot ng covid19.
Ngayong taong 2023, umaasa ang marami na sila ay makaka-bawi ng muli sa tulong ng Poong Maykapal depende pa rin umano sa magiging palakad at programa ng gobyerno ng bagong administrasyon.
Dito na anila masusubukan ang kakayanan ng administrasyong ito hinggil sa kanilang iniwanang mga pangako noong kasalukuyan pa lang silang nangangampanya.
Marami naman ang umaasa at naniniwala sa kakayanan ng gobyernong ito sa liderato ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sampu ng kanyang kabinete na tutuparin ng mga ito ang kanilang panukala.
Sa kasalukuyan ay makikita naman natin at mara-ramdaman na seryoso si PBBM. Desidido talaga itong ma-hango sa kahirapan ang bansa at ang mamayanang Pilipino.
Saksing buhay naman tayong lahat sa kanyang galaw at aksiyon gayong ilan buwan pa lang ito sa kanyang posisyon. Action speaks louder than words, ika nga.
Mantakin niyong halos wala siyang pahinga sa kanyang mga aktibidad, state visit dito, attend ng summit doon at pagbisita sa ibang nasyon na kung saan lahat ng pakiusap at kumbinsi ay kanyang ginawa sa mga foreign investors na mamuhunan dito sa Pinas.
Dito pa lang ay ramdam na natin na siya ay seryoso at desididong mahango sa hirap ang Pinas. Tulad nga ng sinabi ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr…” This nation can be great again”.
Siyempre nga naman, hindi niya ito magagampanang siya lang mag-isa. Kailangan nga naman na tayo’y mag-kaisa at magbuklod-buklod para sa isang layunin… one for all, all for one… he… he… he…
Ito na siguro ang talagang hangad niya kung kaya’t anuman batikos ng kanyang mga kritiko sa kanya ay hindi na rin muna pinapansin dahil sa wala rin daw itong kahihinatnan at wala ring maitutulong sa problema.
Maliwanag na pamumulitiko lang nga naman ito at walang maidudulot na maganda kung kaya’t huwag na lang munang patulan. Wait and watch na lang muna sila.
Kung meron nga namang build, build, build maaaring kailangan muna ang GO, GO, GO… galaw-galaw din at baka ma-istrok, wala munang intrigahan, di po ba?
Bigyan naman muna natin ng tsansa si PBBM upang patunayan ang kanyang sarili dahil sa ito ay panahon naman niya at diskarte. Huwag nating masyadong madaliin dahil wala pa naman isang taon sa upuan ang MAMA.
Maging positibo sana tayong lahat na magiging maganda ang kapalaran at kinabukasan ng Pinas sa bagong administrasyon ni PBBM sa pagpasok ng bagong taon 2023.
We believe at nawa’y matupad ang iyong mabuting intensiyon at hangarin sa kapakanan ng bansa at sambayanang Pilipino.
The post ANO NA KAYA MAGING KAPALARAN NG PINAS SA BAGONG ADMINISTRASYON SA PAGPASOK NG BAGONG TAON 2023 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: