Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagtataas sa 2023 budget ng Department of Trade and Industry (DTI) para magkaloob ng pondo sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program nito na naglalayong tulungan ang mga micro, small, at medium enterprises sa harap ng krisis sa bansa.
Nauna rito, matagumpay na naiapela ni Go ang budget allocation sa PPG program ng DTI sa mga deliberasyon sa 2023 budget ng ahensiya.
“Maraming nawalan ng trabaho, maraming negosyo ang nagsara dahil sa pandemya, kaya naman napakahalaga na ipagpatuloy ang programang ito,” aniya.
“Kaya naman nagpapasalamat po ako sa mga kapwa ko mambabatas at sa DTI para sa kanilang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program. Sana po ay mas maraming Pilipino pa pong matulungan ang inyong programa,” idinagdag ng senador.
Iginiit ng senador na ang MSMEs ay may mahalagang papel sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa at mga lokal na komunidad.
“According to data, 99.52% of the total enterprises operating in the country are MSMEs. Backbone ng ating ekonomiya ang mga MSMEs. Masisipag at madiskarte sa buhay ang mga Pilipino. Kung mabibigyan lang sila ng tamang tulong at training, hindi malayo na mas lalago pa ang mga negosyo nila,” ani Go.
Naghain na ang senador ng ilang legislative measures para suportahan ang economic sector na ito, kabilang ang isang panukalang batas na naglalayong gawing institusyonal ang programang “One Town, One Product” (OTOP) ng DTI at ang iminungkahing Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act.
Pagtitibayin ng Senate Bill No. 424 ni Go ang OTOP bilang isang programang pampasigla ng gobyerno na hihikayat sa paglago ng MSMEs sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng indigenous raw materials, lokal na tradisyon at kultura sa buong bansa.
Nilalayon nitong tulungan at bigyang kakayahan ang mga MSME sa pagbuo ng makabago at mas kumplikadong mga produkto at serbisyo.
Higit pa rito, ang panukalang batas ay naglalayong suportahan ang mga MSME sa pagharap sa masamang epekto na dala ng patuloy na pandemya.
Ang SBN 1182 o ang GUIDE Act na inihain ni Go, sa kabilang banda, ay layong palakasin ang kapasidad ng mga institusyong pinansyal ng gobyerno na magbigay ng tulong pinansiyal sa MSMEs at iba pang strategically important companies.
Si Go ay patuloy sa pagtataguyod at pagsuporta sa MSMEs at sa katunayan, sa kasagsagan ng pandemya ay matagumpay niyang naisulong ang pagpapatupad ng programang Small Business Wage Subsidy.
The post Dagdag na pondo sa PPG program ng DTI, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: