IDINEPENSA ni Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director IV Dr. Dionisio G. Alvindia, ang pagtatalaga ng walong tauhan ng PHilMech sa mas matataas na posisyon, na nagsasabing ang pagtatalaga ng mga opisyal na naglalayo ito na isulong ang paghahatid ng mga serbisyo ng PHilMech sa mga stakeholder nito.
Sinabi ni Dr. Alvindia na ang mga bagong itinalagang opisyal ay lubos na kuwalipikado at may kakayahan sa mga posisyon ng Deputy Director at Division chiefs dahil lahat mga empleyado ng PHilMech at may hawak na mas mahusay na mga kwalipikasyon at pang-edukasyon attainment, taliwas sa mga alegasyon na mga tagalabas sila at hindi tauhan ng PHilMech na kulang sa karanasan sa larangan ng agrikultura.
Aniya, ang walong opisyal ng PHilMech na pinalitan sa kanilang mga puwesto mayroong nakabinbing mga administratibong kaso sa PHilMech na maaaring sadyang magdulot ng pagkaantala sa pagpapatupad ng mga proyekto na dapat makikinabang ang milyun-milyong Pilipinong mga magsasaka sa bansa.
“Four of the replaced PHilMech officers were linked to the tractor case, and are now under preventive suspension to avoid them from interfering in the ongoing investigation against them,” wika ni Dr. Alvindia.
Sinabi niya na ang apat na iba pang apektadong opisyal ng PHilMech, kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa umano’y naantala ang proseso sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto na isinagawa ng ahensya.
Binanggit din niya na dalawa sa walong opisyal ng PHilMech na pinalitan, nag-apply para sa mga posisyon ng Direktor IV at Direktor III ng PHilMech.
Sinabi ni Alvindia na ang pagtatalaga ng mga bagong tauhan bahagi ng programa ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr., para linisin sa gobyerno kontra mga corrupt, incompetent at mga pabayang tauhan sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Aniya, ang pagkakasuspinde ng naturang walong opisyal ng PHilMech para mapabilis ang pagpapatupad ng PHilMech Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mechanization program at ang Coconut Industry Development Fund (Coco levy).
Binigyang- diin ni Alvindia, nanungkulan noong Marso 2022, mahigpit na ipatutupad ang mga batas sa pagbili ng mga makinarya at kagamitan sa ilalim ng RCEF mechanization program at Coco levy fund, at nangakong lilinisin ang ahensya ng mga tiwali at walang kakayahan na tauhan.
Tiniyak ng PHilMech Director sa gobyerno ang tapat na pagsunod ng ahensya sa mga mithiin at pananaw ng RCEF-Mechanization Program at sa mga kinakailangan pamantayan ng katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga transaksyon nito sa ilalim ng mga programa at mga proyekto ng ahensya.
Sa ngayon, 682,502 na magsasaka sa buong bansa ang naging recipient ng RCEFMechanization Program noong Disyembre 2021. Gayundin, sa 19,542 units ng makinarya na nakuha sa ilalim ng programa, mga 16,167 na ang naipamahagi sa mga magsasaka-benepisyaryo.(D Simon)
The post Walang ‘favoritism’ sa PHilMech – Alvindia appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: