INIHAYAG ni Philippine Army chief, Lieutenant General Romeo Brawner Jr., na may sariling imbestigasyon na ginagawa ang 10th Infantry Division (10ID) kasunod ng pagkakadawit ng pangalan ng isa nilang heneral sa pagpatay sa negosyante at dating model si Yvonette Plaza sa Davao City.
Nitong Huwebes, sinabi ni Brawner na pinayuhan nila si Brigadier General Jesus Durante III na makiisa sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa nangyari kay Plaza.
“The 10ID is already conducting its own investigation. We are waiting for the results. We have advised General Durante to cooperate with any investigation on the allegations against him,” pahayag ni Brawner.
Nauna nang sinabi ni Durante na kinaladkad lang ang kaniyang pangalan sa nangyari kay Plaza, base sa lumang Facebook post ng biktima noong April 2022.
“Yvonne was a friend. My name is being dragged based on an FB post made last April 2022 wherein I allegedly hurt her. She later retracted the post and issued a statement that I did not in any way harm her,” saad ni Durante sa natunang pahayag.
“I am deeply saddened by her demise and condole with her family and friends. I, myself, demand justice for Yvonne,” sabi pa ng Heneral.
Ayon kay 10ID spokesperson, Captain Mark Anthony Tito, wala pang naghahain ng pormal na reklamo laban sa sinumang opisyal nila kaugnay sa nangyari kay Plaza.
“So far, there is no formal request or complaint against one of our senior officers. Thus, we could not take action based on social media,” ani Tito.
Hinihintay din ng 10ID ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.
Binaril ng riding in tandem sa labas ng kaniyang bahay si Plaza noong December 28.
Nag-alok na ang pulisya ng P1 milyong pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
The post Army iniimbestigahan ang pagkakadawit ng isang heneral sa Plaza murder appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: