Ni BOY ROMERO
MASAYA si Bulacan Governor Daniel Fernando sa naging mainit at masiglang pagtanggap ng mga tao sa mga naging kalahok na pelikula sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Nung huli namin siyang nakausap, nakikiramdam muna siya kung dadagsa na ang tao sa mga sinehan. Bukod kasi sa pagiging isang public servant, di nawawala sa puso niya ang makatulong sa pagbangon ng mundong una niyang minahal, ang showbiz industry.
Kahit nakatutok at prayoridad niya ang pagsilbihan ang kanyang mga kababayan sa Bulacan, gusto pa rin niyang makagawa ng pelikula para matulungan din ang kapwa-artistang lubos na naapektuhan ng pandemya.
May mga kasamahan sa industriya na lumalapit sa kanya sa Kapitolyo at humihingi ng tulong. Sa katunayan, may isang magaling na aktres ang humiram sa kanya ng malaking halaga para ipagpatuloy ang ginagawa nitong pelikula, pero hindi niya ito natulungan. Kasi nga, nung panahon na yun ay bagsak pa ang industriya.
Pero ngayong unti-unti nang nakababangon ang showbiz, balak na ni Gov. Daniel ang gumawa ng pelikula. Iniisip pa niya kung sino ang kanyang magiging leading lady.
***
Parnership nina Jojo Flores at Maricar Moina ng JAMSAP Entertainment Corporation, a winning
combination
PASABOG at malaking tagumpay ang naganap na grand launch ng JAMSAP Entertainment, isang promising talent management firm na ginanap nung December 20 sa SMX Convention Center.
Pinamumunuan ito ng mag-asawang Jojo Flores at Maricar Moina.
Naloka ang mga invited na entertainment media sa dami ng giveaways.
Ultimate objective ng nasabing kompanya ang tumuklas ng mga aspring artists , eventually mabigyan ng career.
“Part po ng objective namin, gaya nga po ng nasabi namin, we want them to influence other people, kasi ang tag-line po ng Jams Top Model Philippines ay “Influence For A Better Future.”
Saksi ang maraming miyembro ng media at vloggers sa napakaraming fresh talents na dumagsa ‘nung gabing iyon, karamihan ay nanggaling pa sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ayon kay Jojo, dati siyang nagta-talent at naging supplier at ngayon mas naisip niyang dapat nang magbukas ng panibagong pintuan para sa mga aspiring artist.
“Sobrang saya po, nakaka-overwhelmed ang pagtanggap ng mga tao… from different places bumiyahe pa sila, ang pinakamalayo ay Zamboanga,” tatas ni Jojo.
“Today, in-introduce namin ang four pillars of JAMSAP Entertainment Corporation, which are Jams Artist Production, Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines and Jams Basketball, dito po magsisimula ang mga show na gagawin namin”, saad pa ni Jojo.
Walang duda na magtatagumpay ang lahat ng plano ng JAMSAP, huwag lang magkakaroon muli ng panibagong pandemya, kita namin ang strong will ng mag-asawa na palakihin ang kompanya, pagmamalaki nga nila na makamit ang pagiging number one sa industriya, ten years from now.
May nakapagtanong sa akin, how do you see your company, ten years from now? “Ten years from now, we will be the number one in the Entertainment Industry”, pagmamalaking sagot ni Jojo sa nagtanong sa kanya.
Ano naman ang masasabi dito ni Ms. Maricar?
“Ako naman po ay nandito lang to support Jojo’s ideas, so JAMSAP Entertainment Corporation, alam naman natin na siya ang CEO, as a wife and a business partner, I really want to support everything that he wanted, so lalo na yung JAMSAP, ang JAMSAP na kasi na ito, actually siya ang tatayong parang producer ng lahat nung four pillars na binanggit niya kanina.
Kaya kami may mga artista ngayon which is hindi ninyo pa sila kilala dahil gagawan pa lang namin sila ng projects. Mayroon kaming 60 artists, 300 Jams Top Models– sila yung maglalaban-laban (sa SM ARENA), and then the Basketball coaches, so I’m hoping and Jo, ten years from now we are the number one in the industry!”
Hindi rin pinalampas ng mag-asawa na ibalita ang nabuong proyekto sa pagitan ng kanilang kompanya, ang JAMSAP at ng Philippine Movie Press Club — sila ang mapalad na mag-poprodyus ng Star Awards For Television na magaganap sa darating na January 28, 2023 sa Winford Manila!
The post Gov. Daniel Fernando balak na magbalik-pelikula appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: