Nababalutan umano ng ginto ang buong katawan ng sinasabing kolektor ng Criminal In vestigation and Detection Group CIDG-MANILA na nakabase sa Manila Police District (MPD) headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila.
Ayon sa ating inpormante, maliban daw sa ginto nito sa katawan ay meron din daw ito sa binti na kungtawagin nila ay anklet bracelet… wow naman ha.
Ang kolektor na kinilala nilang isang JON-JON GALUGAD ay rekomendado umano ng ilan retiradong opisyal ng MPD kung kaya’t ito ay naitalaga agad sa nasabing posisyon.
Itong si Galugad ay isang sibilyan lang daw ngunit napa-karaming negosyo kabilang na ang pagbibigay ng pautang na 5-6 sa kanyang mga kliyente na ang karamihan ay mga vendor.
Ilan buwan pa lang daw itong kolektor ngunit ibang klase daw ang naging pag-asenso dahil hindi naman daw ganon kaborga ang lifestyle nito noong bago pa lang ito sa pagiging bagman.
Matalino at tuso daw itong si JON-JON dahil sa ang kanyang kinuhang mga puntos sa kanyang pa 5-6 ay mga vendor ang karamihan kung kaya’t walang palag at palya ito sa kanilang paghuhulog.
Papaano ka nga naman papalag sa mga tinakdang patakaran nitong si Galugad eh nasa teritoryo niya ang lahat ng mga pwesto nitong mga vendor na ito sa iba’t ibang dako ng Maynila.
Malamang na possitive ang sinasabi ng ating inpormante na hindi lang daw umiiyak kundi humahagulgol pa ang mga vendor na kinokolektahan nito na halos siya na lang daw ang pinagha-hanapbuhay.
Lahat din daw ng mga illegal vices tulad ng mga bookies at mga sugalan, beerhouse at kung anu-ano pang establistamento ang kinokolektahan nito sa buong Maynila kung kaya’t hindi malayo itong umasensong bigla.
Dahil sa angking galing at tikas nitong si Galugad, meron tayong balita na kinukuha na rin daw ito ng District Special Operations Unit (DSOU) na kanilang kolektor na ang hurisdiksiyon ay buong Maynila din.
DIYOS ko po huwag naman po sana dahil baka sa susunod na makita natin itong si DON GALUGAD ay balot na ito ng BRILYANTE at mamahaling mga bato HE… HE… HE…
PERGALAN SA CUBAO, MISTULANG CASINO NA…
Mistulang casino na umano ang pergalan sa Cubao, Quezon city na kung saan palaging puno ito ng mga player ng kanilang color game at roleta araw-araw… gabi-gabi.
Super-liwanag daw ang pwesto nito dahil sa lakas ng mga boltahe ng mga ilaw na nasa kapaligiran na malakas din tumawag ng pansin sa mga tao na sa kalaunan ay nagiging player na rin nila.
Namumutiktik daw sa tao at mga puntos ang pergalang ito na halos magkapalit-palit na ito ng mga mukha. Parang normal na daw ang datingan sa loob nito dahil walang pina-patupad na health protocol tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.
Kung meron kolektor na balot ng ginto, ang maintainer naman nito ay balot ng hiwaga dahil umano sa kanyang tikas, dating at koneksiyon.
Bawal daw itong hulihin ng maski na sinong awthoridad partikular na ang CPD Police dahil super-lakas daw sa District Director ang operator nitong kinilalang isang alias “MISTIKA”.
Ang poste at kasosyo naman nitong isang ARMAN ay hindi lang daw sa CPD malakas kundi sa buong Camp Crame tsk… tsk… tsk… talaga ha?
Totoo nga siguro ang lahat ng feedback at tsismis na nasasagap natin dahil ang pwesto nito ay naka-tirik mismo sa kanto ng Aurora Boulevard at Westpoint St. na imposibleng hindi mapansin ng maski na sino.
Mantakin mong bukod sa lakas ng liwanag nito ay intero-kanto pa ito naka-tayo… major road at throughfare pa. Garapal at harapang pambabastos na ang ginagawa ng mga damontres na ito, ‘di po ba?
The post KOLEKTOR NG CIDG-MANILA, NABABALUTAN NG GINTO ANG KATAWAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: